Hinarap ko ang backpack pagbaba sa first floor para kunin ang payong ko. Hinanap ko sa dalawang malalaking zipper pero wala roon. Chineck ko ang bulsa sa gilid, wala rin.
"Hay!" I sighed loudly.
I couldn't contain my dismay. Ngayon ko pa talaga naiwan. Ngayon pa talaga na malakas ang ulan at hindi pa ako makabawi sa nararamdaman.
Sa gilid ng building ako dumaan papuntang main gate. Nabasa pa rin ako pero mas maigi na kaysa mukha akong naligo pagdating ng bahay.
I logged out near the guard house. The lady guard looked worried about me.
"Wala ho kayong payong, Ma'am?" She asked.
"Wala po, e. Magpapatila po muna ako sa waiting shed sa labas."
"Tatakbuhin niyo na lang kapag mag tumigil na jeep?" I smiled a little before nodding sadly because she really looks concerned.
"Isang sakay lang naman po. Maliligo na lang pag-uwi. Ingat po kayo, mamaya!" sabi ko at tumakbo na palabas ng gate.
Tumutulo na rin ang tubig ulan sa sentido ko nang makarating akong waiting shed. Gusto ko mang ayusin ang aking buhok ay wala rin dahil basa na. I combed it with my finger and tucked both sides behind my ear to somehow ease my tired plus wet look. Kung nandito lang si Mama, isang oras akong masesermunan pag-uwi.
One strong period of thunder made me step back. Pati ang mga kasama kong naghihintay din ay halos sumigaw sa gulat. May bagyo ba? Wala akong balita.
I looked at my wristwatch and sighed. Kung may payong lang ako, kakayanin ko na lang na lakarin. Rush hour ngayon, baka mas matagalan pa ako kung sasakay.
Suddenly, a shining black car halted in front of the waiting shed. Tumingin ako sa mga kasama kong naghihintay dahil baka sundo nila. In my surprise, when the car window slid down swiftly, Haiden's head came out.
"Teacher Coli! Are you okay? Come in!" He shouted.
At dahil ako ang nakauniporme, nag lingunan sila sa akin. Kinagat ko ang labi at lumapit sa sasakyan. Tumigil ako sa dulo ng waiting shed.
"I'm okay, Haiden! Bye!" I waved at him. Mukha kaming nagsisigawan dahil sa ingay din ng ulan.
Inilabas niya pa lalo ang ulo para ipakita ang hindi pagpayag. "No, Teacher! Basa na ikaw. Tito Zandro will drive you home! It's okay!"
Napasinghap ako. I calmed myself down and smiled more to assure him I'm okay. At kahit hindi man, I don't think I can let him drive me home. At baka ayaw niya rin..
Haiden looked problematic. Bumalik ang ulo niya sa loob at napansin kong gumalaw. Is he talking to his uncle?
Napaawang ang labi ko nang bumukas ang pintuan ng kotse sa unahan. Muli naman akong dinungaw ni Haiden.
"Let's go, Teacher Coli! Please, I'm hungry already!" He pouted.
Kinagat ko ang labi at sandali pang nag isip. Haiden made a more pitiful face. Pinikit ko ang mata at tinakbo ang kahit kokonting distansya ng kotse mula sa kinatatayuan ko.
Mabilis akong pumasok sa loob at isinarado ang pinto. Isinuot ko ang seatbelts bago tumingin nang diretsong diretso sa harapan. I breathed through my mouth slowly, trying to hide how much gas it took me to get inside and sit here.. just here.. with him ..here.
I swallowed hard when the car started moving. Bumaba ang mata ko sa katawan ko nang agarang maramdaman ang lamig. Lamig dahil basa ako at lamig galing sa aircon ng kotse. Gusto ko mang tiisin na lang ngunit kusang umangat ang mga kamay ko para yakapin ang braso.
YOU ARE READING
Heartful Whispers
RomanceCorjana Poline Selandez took an oath to herself that she'll never indulge in any kind of romantic relationship and won't ever grow passionate feelings for someone. But then one day, she woke up and found herself thinking about Leonel Dizandro Carson...