Kabanata 26

86 3 3
                                    


Of course I did not reply to him. Masyado akong guilty sa pangiistalk sa kanya.

Pero nakakapagtaka rin iyong bigla niyang pagmessage sa akin, at ganoong tanong pa. Bakit? Alam niya ba ang oras ng tulog ko para isang surpresa sa kanya na gising pa ako ng ganoong oras?

Hm! Kung may dapat akong ikaguilty, siya rin! Tss. Sabagay wala naman siya, e. Busy pa siguro siya.

Something lingered in my heart, though..

Isang linggo ko lang siyang hindi nakita pero pakiramdam ko taon ulit. Even though the thought of seeing him again makes me nervous.. I guess I'm okay with it.

Kaysa naman hindi ko siya makita.

"Magandang Umaga po, Nay Beth!"

Malaking ngiti ang ang bungad ko kay Nanay Beth pagpasok ko. Mukhang masayang  masaya rin siya pagkakita sa akin. Lumapit ako upang magmano.

Pag-angat ko ng noo mula sa pagkakamano ay ang pagsalubong din ng malamig na titig ni Leonel sa akin.

Napanis ang baon kong ngiti.

Napalunok ako at nagsimulang mataranta. Ang aga ko pa naman ngayon. Baka umiinom pa ng gatas si Harry!

"Good Morning," bati ko pa rin.

Halos hindi na maintindihan ang sinabi ko sa sobrang hina at bilis.

"Good Morning." Malakas at malinaw ang pagkakabigkas niya.

Teka? Hindi lang ako ang guilty dito diba?!

Nanay Beth chuckled. "Aakyatin ko muna ang magkapatid baka naglalaro na ang mga iyon."

Nakaawang ang bibig kong pinagmasdan ang pag akyat ni Nanay Beth sa hagdan hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Natulala ako saglit. Anong gagawin ko dito sa baba? Aakyat din ako!

Kinagat ko ang labi at unti unting humakbang ng lakad pagilid. I probably look like a penguin. Bahala na!

"You did not reply last night."

Kita mo nga naman.

Dumaan siya sa likod at umupo sa malapit na sofa. Alanganin ko siyang sinulyapan. Nakatingin pa rin siya sa akin.

"Aakyat ka?" hamon niya.

"You were online. Did you turn your phone off after seeing my message?"

I closed my fists. Pairap kong inalis ang tingin sa kanya. Nang lingunin ko uli siya ay nahuli ko siyang nagpipigil ng ngiti. He's using his iconic wristwatch to cover his lips.

Natatawa siya sa akin? Padabog akong humarap at umupo rin sa sofa. Syempre malayo sa kanya. Ipinagkrus ko ang braso.

"Reply? May message ka ba?"

Umangat ang kilay niya. He licked his lips sexily as if something amused him to the moon.

Tumikhim siya pagtapos ay umupo nang mas malapit sa akin. I froze. Not even my eyeballs moving. Calm down, Coli. Hindi tatabi sa'yo 'yan.

"Yes. Check your messenger." He said and took his phone out.

Tuliro pa rin, kinuha ko rin ang cellphone ko sa bag. Ang message niyang nakaitim pa ay nandoon pa rin. My mouth formed a small o, as if this is the first time I saw his message.

I looked at him. "Sorry. Baka tulog na ako niyan hindi ko lang na-off ang cellphone."

"Yeah?"

Sumandal siya sa couch at ipinatong ang kamay dito. His arm is just so long that it even reached the portion of my back. I can see his hand when I looked at my left. Lalo akong tumuwid ng upo.

Heartful WhispersWhere stories live. Discover now