This novel is intended for mature readers only and should not have been read by 18 below.
WARNING: Contains mature scenes, strong language and disgusting humor. You've been warned.
I write different genres and use different voices.. You may check my other works if you're uncomfortable reading this story.
DISCLAIMER: Characters, places and events are fictitious.
Unedited raw copy.
THIS NOVEL IS COMPLETE HERE ON WATTPAD.
-------------------------------------------------------
NAPAILING ako nang makitang tadtad ng missed calls ang iPhone na iniwan ko sa ibabaw ng queen size bed, kasama ng mga pinaghubaran kong damit. Kalalabas ko lang ng banyo at katatapos lang magshower. Saktong dinampot ko ang phone nang magring ito. The caller was Santi Montemayor, a frat bro and a co-band member.
"Hey, man! Nasaan ka na?"
"Bukas na ako uuwi, bro." Umikot ako patungo sa sala ng tinutuluyan kong deluxed king room. Naririto ako ngayon sa isa sa mga pinakamahal na hotel resort dito sa Mactan Island, Lapu-Lapu City Cebu.
"Iyan ka na naman!"
"Ine-enjoy ko pa ang Cebu." And that was true. I was enjoying my stay here. Wala pa naman kaming gig kaya pahinga muna ako ngayon, lalo na sa mga iniwanan kong nakaka-stress na bagay sa Maynila.
"Tumatakas ka lang yata sa kuya mo-"
"Fuck, Santi. Anong ginagawa mo diyan, pagtakpan mo na lang ako!" Sabi ko na nga ba at kinukulit na naman sila ni kuya na pauwiin na ako.
Naalala ko na naman ang mga tawag ni Kuya M.A. Hindi ko alam kung bakit pinag-aaksayahan niya pa ako ng panahon samantalang never ko naman siyang kinausap nang maayos.
Michael Angelo Deogracia was just a half brother of mine. Halos malaki na nga kami ng magkakilala kaming dalawa.
Mabait siya sa akin pero hindi ko siya feel. I didn't want my brother around. Masyado siyang seryoso sa buhay na kabaliktaran ko naman. I am happy-go-lucky type at wala akong pakialam sa mga negosyong pinagkaka-kubaan ng kuya ko ngayon.
With this face and body to die for, not to mention my own wealth, dagdag pa ang ilang properties and trust funds ko mula sa aking namayapang ina ay hindi ko na kailangan pang gayahin ang kuya ko sa pagpapagod niya sa mga negosyo namin.
Marami na akong pera na hindi ko kayang ubusin kahit gumatos pa ako nang malaki araw-araw sa buhay ko.
Pero may kwenta naman ako kahit paano. Nabubuhay ako para paligayahin ang mga babae, iyon nga lang hindi sa pangmatagalang aspeto. I am allergic to serious relationship.
I was a product of unwanted pregnancy kaya responsable ako sa mga nakakatalik ko. At ayaw ko ring mamatay nang kapareho ng ikinamatay ng mommy ko.
My mother died from A.
"Okay, may utang na loob nga pala ako sa'yo. Noon." Ipinagdiininan pa talaga ang salitang 'noon'. Gago rin 'to si Santi, eh.
BINABASA MO ANG
Knight in Shining Abs
General Fiction"Iiyak ka pa sa akin, mamahalin mo pa ako ulit at lolokohin pa kita ulit kaya hindi pa ako pwedeng mamatay." - Cloud Deogracia Cloud Roak Deogracia is a notorious womanizer extraordinaire. Pero bulag ang minor at probinsyanang si Danica sa katotoha...