Chapter 20

476K 11.6K 2.8K
                                    

Chapter 20


NAPAIGTAD ako nang maramdaman ang mainit na labi ni Cloud sa aking batok.


Naka-ponytail ang buhok ko paitaas kaya hindi lang sa batok gumagapang ang halik niya kundi pati sa aking balikat patungo sa braso.


Para siyang sawa kung makalingkis sa akin. Ang matitigas niyang braso ay humihigpit sa pagpalibot sa aking katawan.


"Teka nga!" Tinapik ko siya. "Di na ako makahinga, eh!" angal ko.


Umatras ako saka dumeretso sa kitchen ng pad niya. Maya-maya ay nasa likuran ko na naman siya at parang asong sisinghot-singhot.


Inilapag ko sa table ang mga pinamili namin sa grocery.


Dahil sembreak ay madalas akong nakakapunta sa pad ni Cloud, as in maghapon. Naglalagi ako rito at di naman ako inuusisa nina ate. Ang gusto nga ni ate ay i-enjoy ko ang bakasyon at iyon naman talaga ang ginagawa ko ngayon.


Pero ang gusto ni Ate Rosenda ay mamasyal kami nina Grace o mag-shopping. Di na kasi ako umuwi ng Cebu dahil last week lang naman ay galing na rito sa Manila sina Amang.


Mayamaya ay humalik na naman sa pisngi ko si Cloud nang pumihit ako paharap sa ref. Ilalagay ko na kasi ron ang mga gulay at karne dahil tapos na akong isalansang sa cabinet ang mga noodles at can goods niya. Pinilit ko talaga siyang mamili kami para naman di puro order sa mga resto ang inilalaman niya sa tiyan niya kapag nagugutom siya.


"Kanina ka pa!" Saway ko sa kanya nang malingunan ko siyang nakatulis ang nguso at akmang manghahalik na naman. "Baka maubos na ako niyan!"


Panay halik siya sa akin mula ng nasa kotse pa kami. Pati kamay ko nga kanina sa kotse ay kulang na lang lulunin niya na! Ni hindi niya tinatantanan ng kakahalik.


"Ang bango-bango mo kasi."


Inirapan ko siya kahit pa kilig na kilig ako. Kasi kung di siya manghahalik ay tititigan naman niya ako nang sobrang lagkit.


Ilang araw na siyang ganito, super sweet. Feeling nga anytime ay lalanggamin na kami. Kahit saan kasi kami magpunta ay palagi siyang nakadikit sa akin.


"Mami-miss kasi kita mamaya," ungot niya.


Aalis nga pala siya mamaya, pupunta sa Isla Deogracia. Opening ng isa sa mga resto ng islang pag-aari ng angkan nila.


Ang Isla Deogracia ay isla sa Palawan. Malaki iyon ayon sa mga naririnig ko. Kakabukas lang at wala pang isang taon. Sobrang ganda raw doon na parang isang paraiso. Private property ng mga Deogracia na pinag-desisyunang i-open na sa mga tao.


Iyon nga, ginawa na iyong resort para sa mga turista. At ngayon ay maliban sa mga cottages at napakalaking hotels ay maglalagay na rin ng main restaurant. Ang BOS ang pangunahing panauhing pagdangal ng opening ng Taste of Heaven Restobar, na alam kong sapilitan lang dahil nakiusap ang isa sa mga kapatid ni Cloud sa kanya.

Knight in Shining AbsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon