Final Chapter
"GO!" Tulak niya sa akin.
"Cloud..." alanganin akong umatras.
"Go, baby!"
Tumayo na ulit ako. Nanginginig ang mga tuhod ko sa kaba. "Babalikan kita."
Tumango siya at kumaway.
"Cloud..."
Pikit-mata akong tumakbo palayo sa kanya. Kung di ako pipikit ay baka kusa akong pumihit pabalik sa kanya.
God! Maging maayos sana siya! Mahintay niya sana ang pagbabalik ko!
Inalala ko ang daan pabalik sa bodega. Ilang oras na lang at magdi-dilim na, kailangan kong mabalikan si Cloud.
Lakad-takbo ako hanggang sa makarating sa lugar na tinakasan namin.
Napakatahimik ng buong paligid.
Natigilan ako nang makitang bukas ang pintuan sa harapan ng bodega pero tahimik din sa loob niyon.
Wala ring tao sa van at sa kotseng nakaparada sa labas.
Nasaan sina Alde at ang mga tauhan niya? Hinahanap pa rin kaya nila kami.
Oh no, baka nasa gubat sila?!
Si Cloud! Baka makita nila siya! Bumaha ang pangamba sa dibdib ko.
Dahan-dahan akong pumasok sa bodega. Nagitla ako nang mabungran ang mga nakahandusay na katawan ng mga tauhan ni Alde!
Wala ng buhay ang mga ito!
Kalat sa sahig ang dugo ng mga lalaki.
"I'm glad you're back."
Napatayo ako nang tuwid nang marinig ang nagsalita sa pinakadulo, malayo sa mga bangkay.
"Alde!"
Nakaupo ito sa bangkito at tila hinang-hina. Ang kanang kamay nito ay may hawak na cellphone, ang cellphone ni Cloud! At ang kaliwang kamay naman ay may hawak na baril na tila kagagamit lang.
Noon ko rin lang napansin na nasa tabi niya ang mga baril ng kanyang mga tauhan. Kung gayon ay kinuha niya sa mga ito ang baril para hindi makapalag sa gagawin niyang pagpatay sa mga ito?!
"A-anong ginawa mo sa mga tauhan mo?" takot na tanong ko.
"'Di ko na sila kailangan." Ngumisi ang maputla niyang mga labi.
"Ano ba talagang kailangan mo, Alde?"
BINABASA MO ANG
Knight in Shining Abs
General Fiction"Iiyak ka pa sa akin, mamahalin mo pa ako ulit at lolokohin pa kita ulit kaya hindi pa ako pwedeng mamatay." - Cloud Deogracia Cloud Roak Deogracia is a notorious womanizer extraordinaire. Pero bulag ang minor at probinsyanang si Danica sa katotoha...