Chapter 22

376K 11K 3.9K
                                    

Chapter 22


I WAS stunned.


"I am HIV positive... and we had unprotected sex, dear." She said.


"How sure are you that you're sick?"


"Am I the only one who's sick here?" Nanlaki ang butas ng ilong ni Alde. Namula ang maputla niyang mukha.


"Answer me! Damn it!" Hinawakan ko siya sa braso at kinaladkad palabas ng building.


Hindi siya dapat makita ni Danica. Ni marinig ang mga sinasabi niya.


Napapatingin sa amin ang ibang tao sa daan pero tuloy-tuloy lang ako sa paghila kay Alde.


Kailangan ko siyang ilayo.


May posibilidad na tama ang kinakatakutan ko. Hindi imposible iyon.


Mula noon, pagdating kay Alde ay hindi ako gumagamit ng proteksyon. We know each other very well. Pareho naming hindi gugustuhin ang magka-disgrasyahan kami.


Kahit sabihin pa ni Alde na patay na patay siya sa akin. Kahit ano pa ang nararamdaman sa akin ng babaeng ito ay nakakasiguro ako na hindi niya gugustuhing mabuntis ko siya.


Alde's taking pills. I am sure of that. So she's protected from being pregnant.


Malinaw sa kanya na kapag nabuntis siya at katapusan na ng career niya.


Tumigil kami sa lilim ng isang malaking puno, malayo sa lobby ng hotel.


Namewang ako at hinarap siya.


Humihikbing nagpahid siya ng kanyang luha habang hinihimas ang pulso niyang namula sa pagkakapiga ko.


"I am one hundred percent sure, hon."


Tinorta ko siya nang matalim kong titig.


"How fucking sure, you whore?!"


"I went to the Research Institue of Tropical Medicine in Alabang, Muntinlupa City last week, to make sure. And there, the doctor told me that I am HIV positive. I already asked for second opinion in St. Lukes. Pwedeng magcheck sa kanila."


"How could you..."


"I'm sorry... I am a very very bad girl. I am pretty aware that having unprotected sex will eventually end up getting this virus, but I didn't care! I keep on having sex with different men and we all had unprotected sex."


"Putanginga." Bulalas ko.


Tumungo siya. "It was my fault... I know. Buryong-buryo ako sa buhay ko. Ginawa kong pampalipas ang sex, pakikipag-relasyon sa kung sino-sino. Hindi ko alam na matagal na pala akong may ganitong sakit... sa tagal na isa ka sa mga lalaking nakakatalik ko. I thought okay na ang pagiging protektado ko sa pagbubuntis... pero hindi pala ako protektado sa ganitong sakit."

Knight in Shining AbsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon