Chapter 2

577K 13.8K 3.6K
                                    

Chapter 2


"GOOD MORNING, everybody!" Medyo nahirapan pa ako sa pagbukas ng bakal naming pintuan. Marami-rami kasing lock iyon pwera pa sa pinaka-screen door.


"Oh? Bakit ngayon ka lang?" Napatayo si Mama mula sa pagkakaupo sa malaki naming sofa na galing pa ng ibang bansa. In-order niya pa ito mula sa online elite store. Halos lahat ng gamit namin dito sa aming three storey house ay puro imported.


Ang panganay ko kasing kapatid ay nakapangasawa ng mayaman kaya ito, buhay hari at reyna ang aking mga magulang.


"Si Ate po?" Agad kong tanong nang di ko makita si Ate Rosenda, panganay kong kapatid. Half-sister ko iyon dahil anak ito ni Mama sa ibang lalaki.


"Umalis kasama ng kuya T mo." Si kuya T ay si Terrence Montemayor-Saavedra, ang mayamang napangasawa ni Ate.


"Ah... aalis na ba sila bukas?" Umupo ako sa tabi ni Mama. Naamoy ko agad ang nalukob niyang amoy. Mula kasi ng ipa-aircon ang buong bahay namin ay bihira ng maligo sina Mama at Amang. Kesyo malamig daw kasi.


"Oo raw. May inaasikaso lang sa business na binili nila sa kapitolyo."


Oo nga pala, binilhan nina Ate Rosenda at kuya T sina Mama ng magiging pangkabuhayan nila sa bayan. Isang maliit na restaurant iyon na ang pangunahin paninda ay roasted chicken. Mahilig kasi manok ang Amang ko.


May pangalan na rin pala ang restaurant na iyon nila na... 'AMANG INASAL'.


"Amang?" Napatayo ako nang makita si Amang na pababa ng makintab naming hagdanan. Buhat-buhat nito ang kahon ng mga gamit ng pangalawa kong ate.


"Oh, ano?" Sa mga kamay niya ay malaking kahon na may mga teddy bears at mga ilang personal na gamit na paborito ni ate Ruby.


"Saan niyo po dadalhin ang mga gamit ni Ate Ruby?" Nagpa-panic kong tanong.


"Itatabi ko lang sa bodega. Baka kasi bumalik siya, hahanapin niya pa rin ang mga ito."


Yumakap ako kay Mama, maya-maya lang ay nakayakap na rin sa amin si Amang. Walang makakagiba ng samahan namin. Kahit pa anong pagsubok at dilubyo ay mananatili kaming pamilya. Napapikit ako habang dinadama ang mainit nilang yakap sa akin, kahit alam kong amow natuyong pawis sila at wala pang paligo. Mahal na mahal ko sila, and right at this moment I realized how strong our bonding was.


"Mama..." kumalas ako nang talaga di ko na matagalan ang amoy nila.


"Hmn?" Nagpupunas ng luhang tumigin sa akin si Mama.


"Gusto kong sa Maynila na mag-aral." Biglang pasya ko.


"Ano?"


Naisip kong magandang paraan na rin ito para magkasolo sila ni Amang rito sa Cebu. Baka sa ganoong paraan ay makabuo pa sila ng isa pa naming magiging kapatid ni Ate Rosenda. May asim pa naman siguro sila. At least hindi na sila malulungkot 'di ba? Saka mukha kasing gusto nilang masolo ang buong bahay na ito kaya ayaw pa rin nilang kumuha ng kasambahay hanggang ngayon.

Knight in Shining AbsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon