Chapter 26

345K 10.2K 1.7K
                                    

Chapter 26


KAHIT AYAW KONG MAG-BIRTHDAY, Nagpa-party pa rin ang asawa ni Ate Rosenda na si Kuya T.


Hindi nangyari ang simpleng handaan na hiling ko. Kagagawan ni Kuya T, pambawi raw ito kasi simple lang ang nakaraang debut ko. Pinisil nito ang pisngi ko. Karga-karga niya sa kaliwang kamay ang bunso nila ni Ate Rosenda, si Rogue na ngayon ay basang-basa ng laway ang bibig dahil sa kasusubo ng kamay.


"Enjoy the night. Regalo rin sa 'yo ito ng ate mo dahil mataas lahat ang grades mo sa university. Good job, Danica." 


"Thank you, Kuya..." Iyon lang naman kasi ang maibabalik ko sa lahat ng tulong nila, ang mag-aral nang mabuti. 


Narito kami sa Montemayor Cruise, the largest and grandest sea vessel in the world. Ang luxurious ship na ito ay pag-aari ng mga Montemayor. Ang dating kapitan nito ay mismong mga magulang ni Kuya T na sina Don Adam at Donya Aria Saavedra. 


Nakahinto ang higanteng barko ngayon dito Pier 15, South Harbor, Tondo, Manila. Ang tour nito ngayon ay 50-DAY JAPAN, RUSSIA, TAIWAN & THE PHILIPPINES COLLECTOR. Nag-depart ang M. Cruise sa Yokohama, Japan, last week.  Noong nakaraan pa ito rito  sa Pilipinas, galing na sa El Nido, at ngayon ay narito naman sa Manila. Ang alam ko ay karamihan sa mga guests ay bumaba para pumunta sa Ayala Museum at ilang contemporary shopping malls, like Glorietta and the Greenbelt. Sa isang linggo ay aalis na ang barko papunta namang Saint Petersburg, Russia at kasunod ay sa Taipei, Taiwan.


Habang nandito ang M.Cruise ay nagpa-set ng party para sa akin si Kuya T. Dito sa VIP Penthouse ginanap. Ayaw ko sana, kaya lang nagulat na lang ako na nag-set na nga ng party. Nag-imbita na rin ako ng ilang kaibigan at kaklase. 


Habang lumalalim ang gabi sa party ay nakakaramdam na ako ng kakaiba. Ayaw kong mahiwalay sa mga kaibigan ko dahil natatakot ako na mapag-isa. Kanina pa malakas ang kabog ng dibdib ko habang iginagala ko ang aking paningin sa paligid. May isang tao ako ngayon na ayaw kong makita. 


Tumigil ang tugtog at bahagyang tumahimik ang lugar. Ang maririnig na lang ay pag-uusap ng mga bisita. Maliwanag ang paligid dahil sa mga kandila na nasa bawat mesa, may mga maliliit din na lights sa itaas.


Nahimas ko ang aking braso nang makaramdam ako ng lamig. Kahit may bandana ay sumisigid pa rin ang lamig mula sa panggabing hangin at sa hangin mula sa karagatan. Nasa tabi kasi ng dagat ang barko, kumbaga sa sasakyan ay naka-park ito.


"Nasaan na ba ang mga iyon?" Nasaan na sina Grace at Jen? Nagkahiwa-hiwalay kami kanina nang asikasuhin ko ang kararating lang na sina Mama at Amang. 


Ang huling text ni Grace ay may German chef daw siyang nakilala, sobra siyang na-excite magtanong ng kung anu-ano rito kaya nahiwalay rin ito kay Jen. Ah, si Jen ang di ko alam kung bakit biglang nawala. Feeling ko tuloy ay nakalutang ako rito, wala naman akong ibang makausap. Hindi ko naman ka-close lahat ang iba naming schoolmates.


Nagsimula akong maglakad ulit habang palinga-linga.


"Hey! Watch out!"


Napausod ako nang tumama ang ulo ko sa balikat ng kung sino.

Knight in Shining AbsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon