Chapter 15
"WHAT'S ON YOUR MIND, GIRL?"
Tinabihan ako nina Grace at Jen. Nasa tapat kami ng canteen at kumakain ng merienda ngayon. "Sana naman ibang lalaki na ang nasa isip mo ngayon?"
"Si pinsan ba?" siko sa akin ni Jen, ngiting-ngiti siya. Halos araw-araw na lang niya akong kinukulit tungkol sa pinsan niya.
"Hmn, oo. Nagte-text siya tuwing gabi at morning," sagot ko. Sa pagmamadali ko kagabi, napa-oo tuloy ako nang hingin ni Ryan ang number ko. Sinabihan ko siya na 'friends' lang, ngumiti lang naman siya.
"Crush ka non. Sinabi niya sa akin."
Nanahimik ako.
Bumuntung-hininga si Jen. Alam niya nang wala siyang mapapala sa akin. Maya-maya ay nagkayayaan na kaming tumayo at bumalik sa kanya-kanya naming last subject. Bago kami maghiwalay ay nawala na naman ako sa aking sarili.
"Kumusta na kaya si Alde at si Ulap?" anas ko habang nakatingin sa daanan namin.
Nagising lang ako nang sikuhin ako ni Grace. Nang tumingin ako ay halos malusaw ako sa nagbabagang titig ni Jen sa akin.
Oo nga pala, may NO ULAP policy na kaming mag-bi-best friend ngayon.
...
ISANG araw pa ulit ang lumipas. Batong-bato na ako at gustong-gusto ko na talagang mag-sembreak.
After class ay pare-pareho kaming nagulat nina Jen nang makita si Ryan sa labas ng gate ng university. Nakasandal ito sa pulang brandnew BMW na nakaparada sa tabi ng kalsada. Napakalinis nitong tingnan sa suot nitong pulang polo na nagpatingkad sa pagka-mestizo nito.
"Ryan!" Tinawag kaagad ni Jen ang lalaki.
"Hi!" Nakahanda na agad ang ngiti ni Ryan nang mapatingin siya sa amin, partikular sa akin.
Sabay-sabay kaming tumawid ng kalsada.
"Merienda, girls?" yaya ni Ryan. "Free kasi ako kaya naisip ko na daanan kayo."
"Sure!" Nabigla ako nang sa aming tatlo ay ako lang ang sumagot kay Ryan. Napatingin ako kina Grace at Jen na naghahagikhikan sa aking likuran.
"May lakad kami, kayo na lang 'couz!" Itinulak ako ni Jen kay Ryan.
"What?" Gulat akong napalingon sa kanila. Para akong nakuryente nang hawakan ako sa braso ni Ryan. Nakangiti siya sa akin.
"Sige na, mag-unwind ka muna. Inaagiw na naman utak mo e," nakangising ani Jen sa akin.
"Friends lang naman," nakangising ani Grace naman. "Basta Ryan, take good care of our friend. Update niyo na lang kami, okay?"
![](https://img.wattpad.com/cover/39430253-288-k19044.jpg)
BINABASA MO ANG
Knight in Shining Abs
General Fiction"Iiyak ka pa sa akin, mamahalin mo pa ako ulit at lolokohin pa kita ulit kaya hindi pa ako pwedeng mamatay." - Cloud Deogracia Cloud Roak Deogracia is a notorious womanizer extraordinaire. Pero bulag ang minor at probinsyanang si Danica sa katotoha...