Chapter 12

422K 11.5K 6.3K
                                    

Chapter 12


KUNG noon ay nag-aalala ako na purely sexual relationship lang ang meron kami ay ngayon hindi na. He assured me na ako na lang ang babae sa buhay niya. Pinili niya ako dahil hindi niya kayang mawala ako sa kanya. He told me that he will never date another women except me. And that I will be the only woman he will date and make love with.


Pagbalik ko sa upuan namin nina Grace ay nakasimangot na ang mga kaibigan ko. "Saan ka ba galing?" tanong ni Jen.


"Nag-CR." Naupo na ako sa iniwanan kong upuan.


"Patapos na, di mo na nakita kumanta si Macoy ng solo! Grabe!" Patiling kuwento ni Grace. "Ang guwapo niya talaga! Super nakakakilg pati iyong boses!!!"


Hindi ako nag-komento, masyado pa rin kasi akong lutang hanggang ngayon.


"Nakipagkita ka kay Ulap, noh?" Hinila ni Grace ang buhok ko.


Nagkunwari akong malungkot. "Di ko nga siya nakita, eh."


Pero mukhang di ko sila makukumbinse kaya napangisi na lamang ako. Bakit ko pa ba itatago? They are my true friends.


"Oh, tama na kakangiti, kakabagan ka na niyan, eh."


...


SA Edsa ay panay harutan kami nina Grace. Paano doon pa nagka-traffic sa mismong tapat ng malaking billboard ni Cloud.


Nakatayo siya doon sa billboard at super guwapo sa imino-modelo niyang Emporio Armani. Halos tumulo ang laway ko habang nakatingin doon. Kung puwede ko lang sanang iuwi ang billboard na iyon ay ginawa ko na. Nakakainis kasi marami pang girls ang makakakita niyon, dadami pa tuloy ang liga ng mga babaeng may gusto sa baby ko.


"I missed you na, baby ko!" Di nakatiis na sambit ko habang nakatingin sa labas ng bintana. Two weeks na rin na nagkakasya na lang kami sa texting at call ni Cloud.


"Ang guwapo talaga niya." Narinig kong saad ni Jen sa kaliwa ko. "Ang lakas ng sex appeal, 'te."


Nasa loob kami ng kotse ni Grace ngayon. Nagkasya kaming tatlo sa likuran at hinayaan ang driver na mag-isa sa harapan ng sasakyan.


"He's taken." Sita ko sa kanya.


Tumawa siya. "Sure na ba iyong relasyon niyo?"


"Sabi ko naman na oo, 'di ba? Wala kasi kayong tiwala sa akin." Umingos pa ako.


"Sige na, naniniwala na kami."


"Pinili niya ako over that Mira at sa iba pang babae. Ayaw niya akong mawala sa kanya," mayabang na saad ko. "Imagine that? Ako ang pinili niya!"


Nakangising umiling-iling si Grace. "Me ganun naman talagang boylet, inaayawan ang mga mala-diyosang kagandahan para magsettle sa isang simple lang."

Knight in Shining AbsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon