Chapter 4

438K 13.8K 2.5K
                                    


Chapter 4


ILANG BUWAN NA ANG LUMIPAS.


Pagkatapos ng mga salitang binitiwan niya sa condo nang huling beses kaming magkausap, hindi ko na ulit nakita pa si Cloud. Masyadong malaki ang Manila. Masyado ring malaki ang mundo para aksidente na magkita kami.


Kahit nasa iisang city kami ngayon, malabo siguro na magkrus ang landas namin. Lalo na at wala naman siyang intensyon na magpakita sa akin. 


Last week ay idinaos lang nang simple ang 18th birthday ko. Sa condo lang ang maliit na salo-salo. Nataon pa kasi na may klase sa university kaya hindi rin talaga puwedeng maghanda. Wala rin akong gana sa en grandeng party dahil bago lang naman ako sa Manila. Iilan lang ang maiimbita ko.


Nag-video call lang kami nina Ate Rosenda noong araw na iyon para makausap namin ang aming mga magulang sa Cebu. May regalo ako na natanggap mula kay Kuya T. Binati naman ako sa text ng ibang miyembro ng Black Omega Society na sina Kuya Macoy at Kuya Santi. Iisang tao lang talaga ang hindi nakaalala.


Bakit nga naman niya maalala? Importante ba?


SABADO NG GABI. Dahil nasa tamang edad na, pinayagan ako ni Ate Rosenda na um-attend sa birthday ng isa sa mga bago kong kaibigan dito sa Manila. Hindi nga lang alam ng aking ate na nauwi sa isang bar dito sa Taguig ang birthday celebration. Ang totoo ay hindi ko rin alam. Nalaman ko lang nang dito sa bar ako dinala ng aking mga kaibigan.


Hindi naman ako pinilit ng mga kaibigan ko na uminom, at na-appreciate ko iyon. Nakakailang sa table namin na ako lang ang bukod tangi na walang drinks sa amin. Um-order ako sa waiter ng cocktails para kahit paano ay may mainom din ako. Matapos ang dalawang baso ay tumayo ako.


Dumeretso ako sa comfort room para maghilamos pagkatapos ay aking sinipat ang relong pambisig. 11:30 na ng gabi. Magpapaalam na ako sa mga kaibigan ko na uuwi. Sana payagan na nila ako na umalis. Kanina kasing bandang quarter to 10:00pm ay nagpaalam na rin ako, pero todo pigil sila sa akin.


Ayaw kong sisihin ang mga kaibigan ko kung bakit ako ginabi rito nang husto. Ang totoo ay wala naman talaga silang kasalanan. Hindi naman talaga ako nag-stay dahil sa pamimressure nila.


Nag-stay ako dahil may nakita akong familiar na tao sa dancefloor kanina... si Cloud Roak Deogracia.


Pakiramdam ko'y nayanig ang aking pagkatao nang makita siya kanina. Binabawi ko na ang sinabi nang una na malaki ang Manila. Na malaki ang mundo. Dahil bakit sa dinami-dami ng bar sa Taguig ay sa iisang bar pa kami nagtagpo?!


Ang lalaking iyon ang tunay na dahilan kaya nanatili ako. Siya rin ang dahilan kaya tinikman ko ang alak na inaalok sa akin ng kaibigan ko. Siya ang dahilan kaya ang gulo-gulo ng utak ko.


Nagulo na naman dahil lang sa hindi inaasahang presensiya niya.


Hindi masama ang loob ko sa kanya, mas lamang ang nararamdaman kong lungkot. Siya kasi ang first love ko. Wala naman akong ibang nagustuhan maliban sa kanya kaya naman ang sakit talaga. First love at first heartbreak ko siya.

Knight in Shining AbsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon