Chapter 9

469K 11.5K 4.9K
                                    

Chapter 9


UMIKOT ako sa harapan ng salamin. Twenty minutes na akong balisa, parang lahat yata ng damit sa closet ko ay naisukat ko na. Nitong mga nakaraang araw ay ramdam ko ang maraming pagbabago sa akin. Mula sa pagiging insecure ko sa mga bagay-bagay at ang pagkwala ng self confidence ko.


Ayaw at gustuhin ko man ay kusa kong nararamdaman ang ganito, kawalang tiwala sa sarili ko.


Umatras ako at bagsak ang balikat na naupo sa maliit kong upuang may naka-design na ultraman. Napasimangot ako at nangalumbaba. Maraming bagay ang unti-unti ko ng binibitawan mula ng ma-in love ako kay Cloud, ito ngang ultraman na paborito kong upuan ay gusto ko na ring ilagay sa bodega.


Hindi na ako bata at dalaga na ako. I should act like one. Hindi puwedeng may masabi si Cloud and I need to be perfect for him. Ayaw kong makakita siya ng mas better kahit alam kong laganap naman talaga sa paligid niya ang mga mas better sa akin. Ayaw kong mapansin niya ang mga iyon.


Dapat ingatan ko siya. Sa akin, wala namang problema kasi kahit makakita ako ng mas better sa kanya ay solid naman ang puso ko sa kanya. Pero I doubt kung may mapansin man lang ako na better than my Cloud.


...


"BAKIT ngayon ka lang?"


"May dinaanan pa kasi ako." Naupo ako sa tabi ni Jen kung saan nakaharap si Grace mula sa unahang upuan. Kulang na lang ay mabali ang leeg nito sa paglingon sa akin.


"Marami tayong projects ngayon," sabi ni Grace. 


"Oo nga." Inilapag ko sa desk ang dala kong ilang folders. Ang hirap pala mag-aral sa Maynila, maraming projects at kung ano-ano pa. Lalo na at medyo bigatin ang school na pinasukan sa akin ni Ate Rosenda.


Tumulis ang nguso nito. "Hoy, Danica! Nangangalumata ka, ah!"


Hindi ko pinansin si Grace. Binuklat-buklat ko ang folder sa harapan ko, report ko iyon sa last subject ko mamaya at di ko pa naaaral.


"Wala kang tulog?"


"Meron naman." Sagot ko saka nagsimulang magbasa-basa. Scanning lang ang ginawa ko dahil wala nang time, parating na rin ang prof namin sa first subject.


"Huy! Magsabi ka nga ng totoo, babae." Hinila naman ng katabi kong si Jen ang kuwelyo ng suot kong uniform, lalo tuloy nawala sa ayos ang pagkakasuot nito sa akin. Nagmamadali na kasi ako kanina dahil wala pa akong tulog.


"May jowa ka na ba?" Si Grace na talagang lumuhod na sa upuan niya para makaharap ako. Dahil nasa gilid ako na katabi ng dingding ay nagmistulan akong bihag ng dalawa kong kaibigan.


Nagpalipat-lipat ang aking tingin sa kanila. Bakit ba sila nagkakaganito? Halata ba talaga sa akin? Umiling ako saka muiling ibinalik ang atensyon sa binabasa ko. "Wala..."


"Weh?" Chorus sila.


Inakbayan ako ni Jen. "Danica, kahit ngayon ka palang namin naging friendship, eh alam na namin kapag nagsisinungaling ka. Hindi ka magaling na liar, you know!"

Knight in Shining AbsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon