Chapter 30
HINDI pa kami puwedeng umalis hangga't di namin nati-tiyak na ligtas na kami.
Biglang nawala iyong mga humahabol sa amin ni Cloud, pero takot na takot pa rin ako na baka makita nila kami. Hindi pala ganoon kalakihan ang gubat na ito, patirik ito dahil bundok pala ang kinaroroonan namin.
Malaki ang posibilidad na mahanap kami ng mga tauhan ni Alde.
Hindi pa kami puwedeng mamatay. Hindi pa. Bata pa kami, mas lalo ako. At hindi puwedeng basta kami mamatay ni Cloud sa dami ng pinagdaanan namin.
Iiyak pa ako sa kanya, mamahalin ko pa siya at lolokohin niya pa ulit ako kaya hindi pa ako puwedeng mamatay!
Gaganti pa ako, puputulin ko pa ang ano niya kapag niloko niya ulit ako. No we can't die here.
Nanatili kami sa pinagtataguan naming malaking puno. Abot-abot ang panalangin ko habang magkatabi kaming dalawa.
Ilang sandali pa ay nakarinig ulit kami ni Cloud ng apat na putok ng baril.
May kalayuan sa amin ang nagpaputok kaya mahina at di masyadong klarado, pero siguradong putok iyon ng baril.
Hindi na nasundan pa ang mga putok.
Ni hindi namin kung ano na ang nangyari.
Nanatili kaming nagpapakiramdaman nang maunang magsalita si Cloud.
"Danica, baby..."
Napalingon ako kay Cloud. Nakasandal siya sa puno habang ang mga kamay niya ay naglalaro sa buhok ko.
Letseng lalaking ito, duguan na nga't lahat pero pogi pa rin.
"Alam mo bang pinangarap ko ring maging vocalist noon..." sabi niya.
"Bakit ka nag-drummer?"
Oo nga, tanong ko rin iyon noon pa. Bakit nga ba? Maganda rin naman ang boses ni Cloud.
"Ayaw ko kasi sa front." Ngumisi siya at umiling.
"Bakit?"
"Gusto ko sa likod lang ako. E, si Terrence, gusto sa harapan siya. Gustong ipagmalaki sa madla ang pagmumukha niya."
"Ayaw mong ipagmalaki ang mukha mo, pero nag-model ka." Umarko ang kilay ko.
Nakakatuwang nakuha pa naming mag-usap ngayon na para bang hindi delikado ang aming sitwasyon.
Pero ito ang ilan sa mga bagay na hindi namin masyadong nagagawa noon, ang pag-uusap.
BINABASA MO ANG
Knight in Shining Abs
General Fiction"Iiyak ka pa sa akin, mamahalin mo pa ako ulit at lolokohin pa kita ulit kaya hindi pa ako pwedeng mamatay." - Cloud Deogracia Cloud Roak Deogracia is a notorious womanizer extraordinaire. Pero bulag ang minor at probinsyanang si Danica sa katotoha...