Trigger warning: Violence, strong language
Chapter 28
DANICA
NAGISING ako sa isang lugar na di hindi pamilyar sa akin. Naaalala ko na kagabi ay nag-iisa ako sa labas ng university, at naghihintay ng taxi. Naunang umuwi sina Jen at Grace dahil hindi na nila ako mahintay. Nagtagal pa kasi ako sa library para mag-review. Mini-maintain ko ang GPA ko para hindi ako maalis sa Dean's list.
Inabot na ako ng 7:00pm. May lalaking lumapit sa akin para magtanong. Ayaw ko namang maging bastos kaya kinausap ko. Ang kaso ay may pinaamoy ito sa aking kung ano, sanhi para mablangko ang utak ko. Namalayan ko na lang na inaalalayan niya na ako papasok sa isang kotse na nakaparada sa di kalayuan.
"Pare, baka naman matunaw iyan," narinig kong sabi ng isa sa mga lalaking nakabantay sa akin.
Nasa isang tila bodega ako. Malinis at walang kagamit-gamit maliban sa isang upuan sa dulo. Ako naman ay nakahiga sa mga nakalatag na karton. Ang mga kamay ko ay nakatali sa aking likuran at may nakatapal na tape ako sa bibig.
Apat ang mga lalaki na kasama ko rito ngayon. Mga mukha silang goons sa pelikula, may mga baril sa tagiliran, at iyong itsura nila ay iyong hindi magpapahuli ng buhay. Isa sa kanila ang nagtanong sa akin kahapon. Nakapalibot sila sa akin habang tila isa akong isda sa palengke na kanilang sinusuri. Pero anong kailangan nila sa akin?
Ngumisi ang sinitang lalaki. "Inire-ready ko lang, lima tayo, baka di kayanin."
"'Wag daw muna papakialaman iyan hanggat walang signal kay Ms. Alde."
Alde?!
Si Alde ang nagpadukot sa akin? Pero bakit? Nasa kanya na si Cloud kung iyon ang dahilan niya.
Ano pa bang kailangan nila sa akin? Kinakalimutan ko na si Cloud kahit mahirap. Bakit pa ako ipapadukot ni Alde?!
Pinilit kong kumawala sa nakatali sa akin pero mahigpit iyon, maging ang tape na nasa bibig ko ay hindi ko maialis.
Iniiwas ko ang mukha ko pero dinaklot nito ang aking buhok at pilit akong ihinaharap.
"Hello, baby girl?"
Diring-diri ako sa magaspang at malaking kamay nitong nakadikit sa balat ko pero mas malakas ito sa akin. Ni hindi ko kayang ilayo ang sarili ko rito.
"Balita ko siyota 'to nong model na si Cloud Deogracia," anang matikas na lalaking may matapang na mukha.
"Hector!"
Napatuwid ang pinaka-matikas sa mga lalaki. Napangisi ito nang bumukas ang pinto.
"Boss!"
Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ang dumating. Tatlo ang mga ito. Si Alde, ang tauhan na may hawak na baril...at si Cloud!
BINABASA MO ANG
Knight in Shining Abs
General Fiction"Iiyak ka pa sa akin, mamahalin mo pa ako ulit at lolokohin pa kita ulit kaya hindi pa ako pwedeng mamatay." - Cloud Deogracia Cloud Roak Deogracia is a notorious womanizer extraordinaire. Pero bulag ang minor at probinsyanang si Danica sa katotoha...