Chapter 21
SA nanlalabo kong paningin ay naaninagan ko ang mapanglaw na liwanag mula sa nakabukas na glass window. Iba ang kulay ng kurtina kesa sa kwarto ko kaya nabatid kong wala pa rin ako sa amin. Saka ko naalala na nasa Isla Deogracia nga pala ako.
"'Te, tanghali na, o." Boses sa aking gawing paanan. "Gising na, oy!"
Isang babae ang nakatayo sa dulo ng kama at madilim ang mukhang naka-pamewang. Gumulong ako sa kama at saka kinusot ang aking mga mata. Ah, si Grace.
Pinilit kong dumilat. "Saan ba pupunta?" inaantok pa ang diwang tanong ko.
Namimigat pa ang mga talukap ko sa antok, maliwanag na kasi nang umakyat ako dito sa suite namin. Inihatid ako ni Cloud hanggang sa pinto bago siya umalis at nagtungo sa sarili niyang suite.
"Saan ka ba dinala ni Ulap kagabi? Ni hindi ko na namalayan ang paguwi mo, ah."
"Namasyal lang kami sa tabing dagat." Itinakip ko ang malaking unan ang mukha ko. "'Tulog pa ako, please?"
Napapadyak si Grace. "Kainis! Ibig sabihin ako lang ang mamamasyal ngayon?"
Ungol na lang ang naisagot ko sa kanya. Nakokonsensiya man ako dahil hindi ko siya masamahan ay talagang tinatalo ako ng antok. Buong magdamag ba naman kasi kaming namasyal ni Cloud sa buong isla. Naghabulan at nagharutan kami sa dalampasigan at pagkatapos ay nakisaya sa mga nagsasayawan sa bon fire. Ubos na ang lakas ko nang makabalik kami sa hotel.
Gusto ko pang matulog...
Sa pagkakapikit ko ay tila may mainit na hangin ang lumalaro sa aking balat. Parang may mainit na bagay ang nakatapat sa aking mukha habang nahihimbing ako sa pagkakatulog.
Unti-unting bumalik ang kamalayan ko dahil sa naamoy kong panlalaking pabango na tila ba napakalapit sa akin.
"Hmn..." Imunulat ko ang aking mga mata at nakita ko ang guwapong mukha ni Cloud.
Maaliwalas ang itsura niya at nakangiting nakatingin siya sa akin. Ginanti ko ang kanyang ngiti at saka muling pumikit. Sa sobrang pagmamahal ko sa lalaking iyon, pati sa panaginip ko nakakasama ko na siya.
"Sleep tight, Mahal." O, pati boses niyang guwapo naririnig ko pa.
"I love you, Cloud." Anas ko bago muling magbalik sa pagtulog. Mahal kita gising man o natutulog ako... mahal kita kahit anong ginagawa ko... mahal kita at mamahalin kita kahit anong mangyari.
"Mas mahal kita..."
Ang sarap ng tulog ko dahil napapanaginipan ko siya ngayon.
Hindi ko alam kung ilang oras na akong natutulog, pero walang Grace na gumambala sa aking pagkakahimbing.
Para akong idinuduyan. Kahit medyo parang matigas ang inuunan ko ngayon ay masarap pa rin sa pakiramdam. Mainit-init ang hanging dumadampi sa mukha ko at hindi ako giniginaw sa lamig na nagmumula sa aircon dahil parang may mga brasong nakayakap sa akin para protektahan ako mula sa ginaw.
BINABASA MO ANG
Knight in Shining Abs
General Fiction"Iiyak ka pa sa akin, mamahalin mo pa ako ulit at lolokohin pa kita ulit kaya hindi pa ako pwedeng mamatay." - Cloud Deogracia Cloud Roak Deogracia is a notorious womanizer extraordinaire. Pero bulag ang minor at probinsyanang si Danica sa katotoha...