Chapter 13

388K 11.7K 6K
                                    

Chapter 13


"DANICA, wait!"


Hinawakan niya ako sa braso at dinala sa gilid para hindi kami nakaharang sa daanan.


"Bakit ka nandito?" Napatitig ako sa kanyang mukha. Pawisan ang kanyang noo at magulo ang suot niyang polo.


"I..." Inilingap nito ang paningin sa paligid ng lobby, nagkataong alanganing oras kaya walang katao-tao ron maliban sa aming dalawa dahil nasa labas ang mga guwardiya.


Kung hinabol niya ako hanggang dito para magpaliwanag sa mga narinig ko kanina sa studio ay naa-appreciate ko iyon. Mas masakit kasi sa akin kung hindi niya man lang ako maiisipang habulin. Nakakalungkot lang dahil kulang na lang, ay sabihin niyang ang lahat ng nangyayari sa pagitan naming dalawa ay pawang kagustuhan ko lang.


Parang balewala ang kahihiyan ko sa lalaking ito. Masaya pa nga yata siyang malaman ng lahat na patay na patay ako sa kanya.


Saka alam na ni Kuya Santi ngayon ang tungkol sa aming dalawa, at nakay Kuya Santi na iyon kung magsusumbong ito kay Kuya T. Kapag nagkataon ay malalaman na rin ni Ate Rosenda ang relasyon namin ni Cloud. 


"Tama na, Cloud." Binaklas ko ang kamay niya sa braso ko.


"What?" Kumunot ang noo niya.


"Uuwi na ako. Bumalik ka na sa studio niyo. Sige ka, baka isipin ni Kuya Santi na ikaw ang humahabol sa akin." Mapait ko siyang nginitian. "Hindi magandang image iyon."


"You're pissed."


"Sa tingin mo ba may dahilan? Saka importante ba?" Nagpakawala ako ng buntong hininga. "Tama na, Cloud. Gusto ko na talagang umuwi."


His eyes widened. "So? Ano na tayo ngayon?"


"H-hayaan mo muna ako..."


"You're breaking up with me?!"


"Hindi sa ganon..." nakagat ko ang labi ko. Gusto ko lang munang makahinga at mag-isip. Pinakiramdaman ko ang sarili ko, kahit naman galit ako sa kanya ay di ko pa rin kaya na tuluyan siyang mawala sa buhay ko.


"Then what, Danica?"


"Bigyan mo muna ako ng space... hayaan mo akong mag-isip..."


"Am I really hearing this?" maaskad na tanong niya sa akin. Napapikit ako nang marinig ang lagutukan ng buto niya sa kamay.


"Cloud..."


"You love me, you told me that! Why do you want to have a fucking cool off?" Halo-halo ang nabasa kong emosyon sa mga mata niya. I saw pain, anger and sadness in his eyes and I don't think I can stand seeing it so I decided to look down.


Tinatagan ko ang sarili ko. "Gusto ko kasi munang makapag-isip... pero sandali lang naman ang time na hihingin ko..."


"Bullshit!" Napapitlag ako nang bigla siyang sumigaw. Nag-echo iyon sa paligid. Mabuti na lang talaga at wala pang dumaraang tao at nasa labas ang mga guwardiya.


Nag-aalalang hinawakan ko siya sa kamay niya para pakalmahin siya. Matigas ang kamao niya na mahigpit na nakatikom. Para siyang manununtok sa tigas niyon.


"That's one of the things I don't like about you, your stubbornness!" Inis na saad niya sabay tabig sa kamay ko. "This isn't gonna work."


"Cloud!" Napamulagat ako.


"I already explained my part, but still you want to pursue that shitty cool off! You know what, Danica? Why not break up instead of that, huh? What do you think?"


Umawang ang mga labi ko.


Bahaw siyang tumawa at ngumisi sa akin kahit galit ang kanyang mga mata. "You're not dense to not understand what I am trying to say. Ayoko ng ganito, Danica. Hindi na tayo mga bata. Kung ayaw mo na, then fine."


Naluha ang aking mga mata.


"You want me out of your life in the meantime, right? Why not make it permanent?" Bumuga siya ng hangin at saka seryosong tumingin sa akin.


Napaurong ako sa intensidad na dala ng titig niya. Parang ano man oras ay malalagot ang paghinga ko sa takot sa susunod niyang sasabihin.


"I want you out of my life, too." He said, dismissively.


Napayuko ako kasabay ng paglaglag ng puso ko sa sahig.


"Do not follow me. This is what you want, right? I'm just giving it to you."


Daig ko pa ang sinampal dahil sa mga sinabi niya. Sana nga sinampal na lang niya ako, sana sinaktan na lang niya ako physically para hindi ganito kasakit. Para hindi masakit sa dibdib ko, para hindi ganitong para akong kakapusin sa paghinga.


"Our relationship was a big mistake! Hindi ko alam bakit pinagbigyan pa kita sa kalokohang ito samantalang kaya ko namang kunin ang gusto ko sa'yo kahit di ko sakyan ang kaartehan mo. You really pissed me off, kid. Sana itinuloy ko na lang ang pag-iwas ko sa'yo!" Iniwan niya na ako at lumakad siya patungo sa glass door ng lobby.


 JAMILLEFUMAH


Knight in Shining AbsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon