Chapter 18

405K 12.6K 1.8K
                                    

Chapter 18


KANINA pa ako nakangisi sa kisame, parang di pa rin ako makapaniwala. Sumasagi na rin sa isip ko na baka na-engkanto lang si Cloud o whatever. Para kasing hindi siya ang kausap ko kanina.

Ano bang nangyari sa kanya? Mamamatay na ba siya?

 

Nakahiga na ako sa kama nang biglang mag-beep ang phone ko. Akala ko si Cloud kaya mabilis akong tumayo at may pananabik pa ng kunin ko sa sidetable ang phone ko.

 

I'm in the lobby. Napakunot ang noo ko nang mabasa ang text ni Ryan.


"Danica..." Mahina at tila garalgal ang boses ng lalaki.

 

Kinakabahang umalis agad ako sa kama. "Wait me there, okay? Sisimplehan ko lang si ate para makalabas ako."

 

Nagpalit ako ng damit at saka sumalisi palabas ng unit namin. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. Hindi pupunta ng ganitong oras si Ryan dito kung wala siyang mahalagang kailangan.

 

Kaibigan ko pa rin naman siya... and I think I owe him an explanation. Sa malao't sa madali, malalaman niya rin na nagkabalikan na kami ni Cloud.


Naabutan ko siyang nakatayo sa tabi ng sasakyan niya. Nakatungo ang lalaki at tila nalugi ang mukha nang tumingin sa akin.

 

"Can we talk?" Sa boses niya ay parang kay laki ng problemang dinadala.


"O-okay..." sumakay ako sa kotse niya. Napa-tsk, na lang ako nang maalala kong naiwanan ko ang CP ko sa kuwarto. Baka mamaya kasi hanapin ako nina ate kapag nalaman nilang wala ako ron.



Akala ko ay sa isang restaurant ako dadalhin ni Ryan kaya kinakabahang tumingin ako sa kanya nang mapansing medyo malayo na sa mga buildings ang tinatahak namin.

 

Nasa parteng Taguig na kami, sa malapit sa Global, iyong di masyadong dinadaanan ng sasakyan at medyo madilim. May tiwala naman ako kay Ryan dahil kahit paano ay naparamdam naman niya sa akin na isa siyang mabuting kaibigan. Gayunpaman, hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng takot kung bakit dito niya ako dinala.

 

"Ryan, bakit?"

 

Hindi ito sumagot sa halip ay bumaba ito ng sasakyan at binuksan ang pinto sa tabi ko.

 

"Ryan, ano ba?!" Nagulat ako nang hawakan niya ako nang mariin sa braso.

 

"Baba."

 

"Ry..." Nahintatakutan ako nang malanghap ko ang amoy ng alak sa kanya. Ngayon ko lang nakitang pulang-pula ang kanyang mga mata.

 

Nang makababa ay mabilis akong lumayo sa kanya. Nasa likuran kami ng bagong itinatayong building. Medyo madilim dahil nasa dulo ang matataas na street lights.

Mula sa pagkakatungo ay nagsimula siyang magsalita. "Alam mo bang hindi kami ganoon ka-close ni Jen? Pero nang maka-text ko siya about you... bigla akong ginanahang makipagkita sa pinsan kong iyon. Bigla siyang naging anghel para sa akin, at alam mo kung bakit? Dahil dinala ka niya sa buhay ko. Ikaw ang sign na hinihingi ko..."


Tumingala siya at nakangising tumitig sa akin.

 

"You know what? I really like you. Sinabi ko pa nga na malapit na kitang mahain, di ba?"

 

"Ryan..."

 

"Totoo iyon, Danica. Mula ng makilala kita sumigla ulit ako. You don't know how much I am happy to be your friend. At umaasa akong sa pakikipag-kaibigan ko sa'yo magsisimula ang lahat. Marami na akong plano para sa atin. Tutulungan kitang makalimutan ang gagong ex mo, at mamahalin kita sa abot ng makakaya ko..."

"I'm sorry..." iyon lang ang nasabi ko. Hindi ko naman kasi matuturuan ang puso ko na magustuhan siya. Sinubukan ko naman pero wala talaga, hanggang kaibigan lang ang kaya kong ibigay sa kanya.

 

"I saw you with your fucking ex-boyfriend," sabi niya na nagpahinto sa tibok ng puso ko.

 

Kaya ba siya naglasing? Kaya ba siya nagkakaganito ngayon because of what he saw?

 

"Nagpapauto ka na naman sa kanya?"

 

He maybe right, nagpapauto muli ako. Sinalubong ko ang nang-uusig niyang mga mata.


"Lolokohin ka lang niya ulit."

"I'm sorry... makakahanap ka rin ng babaeng para sa'yo. Wag kang matatakot at mawawalan ng pagasa na di ka na makakatagpo ng para sa'yo."


"Don't give him another chance. Ang mga manloloko ay habambuhay na manloloko."


"Siguro nga hindi na siya magbabago o siguro magbabago na talaga siya. O baka tanga lang talaga ako, pero kung sakaling lolokohin niya man ulit ako sa huling pagkakataon na ibinigay ko, hayaan mo na lang ako na sumugal at matuto."

 

Nanlaki ang mga mata ni Ryan. Hindi niya matanggap ang mga sinabi ko. Hindi ko alam kung bakit umaasa siya sa akin gayong hindi ko naman siya binigyan ng pag-asa. Alam din naman niya na kaka-break ko lang noon kay Cloud. Gaano man ako nasaktan, hindi iyon batayan para basta na lang ako lumipat agad sa ibang lalaki.

 

"May nakalaan para sa lahat ng tao..." Pilit kong pagpapaliwanag sa kanya. "At ang para sa'yo ay hindi ako..."

 

"No..."

"Ryan!" Napaigik ako nang yapusin niya ako nang mahigpit.


"Wala siya rito, hindi ka niya mahal! Nasaan ang gagong iyon? Nasaan siya? Wala siya rito!"

 

"Ryan! Please!" Pilit ko siyang itinutulak. Nadadala lang siya ng emosyon. Wala siya sa katinuan at natatakot ako na makagawa siya ng bagay na pagsisisihan niya sa huli.

 

"I'm better than him. I can show you that!"

 

"Ayaw ko! Si Cloud lang ang gusto ko!" Nahawakan niya muli ako sa braso.

 

"But he's not here, I am the one who's here for you, baby!" Hihilahin niya na sana ulit ako pero bigla siyang nawala sa aking paningin.

 

"I'm right here, motherfucker!"

 

Sa pagtingala ko ay ang galit na mukha at nanlilisik na mga mata ni Cloud ang aking nakita. "Cloud!"

 

"And don't you dare fucking touch my girl again!"   


JAMILLEFUMAH


Knight in Shining AbsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon