EPILOGUE

658K 16.1K 5.8K
                                    

Thank you!

Thank you to everyone who joined me on this journey! I would also like to apologize for the typos and grammatical errors in this story. Will edit/proofread once I get the chance. Thank you again! BOS SERIES (My Generation) are all complete and available for free reading here in my Wattpad account: jfstories



EPILOGUE


"I'm hurting, baby, I'm broken down! I need your loving, loving, I need it now. When I'm without you, I'm something weak. You got me begging, begging, I'm on my knees." Simula ni Kuya Kyo.


Umangat ang puwet ko sa upuan ng si Cloud na ang sumunod na kumanta. Yes, kumakanta rin siya habang nagda-drums siya sa likod nina Kuya Terrence.


"I don't wanna be needing your love. I just wanna be deep in your love. And it's killing me when you're away."


Tumingin siya sa akin at ngumisi.


"Ooh, baby, 'cause I really don't care where you are. I just wanna be there where you are. And I gotta get one little taste!"


At syempre si kuya Terrence. Halos mabingi ako sa sigawan ng mga tao sa paligid. Lahat ng mga bisita ko ay biglang naging wild. May nagsasayawan sa mismong tapat ng mga tables nila. Maski kami nila Grace ay ganon din.


Napangisi ako nang kumindat si Kuya Kyo kay Ate Ruby habang bigay todo ito sa pagkanta.


"I'm right here, 'cause I need little love and little sympathy. Yeah, you show me good loving make it alright. Need a little sweetness in my life, your sugar! Yes, please! Won't you come and put it down on me!"


Tonight is my birthday. Magaling na ang tama sa baril ni Cloud bago pa man ang birthday ko. Nagmadali talaga siyang magpagaling para makapunta sa amin at humingi ng tawad sa buong pamilya ko.


Di ko siya iniwan kahit nanakit ang tagiliran ko sa kurot nina Mama at Ate Rosenda.


Araw-araw akong nasa tabi ni Cloud kahit na maraming nakabantay. 


Alam na nilang naging kami at kami pa rin hanggang ngayon. Patay na patay kasi sakin, eh. Maglalaslas daw siya kapag hindi ko siya tinanggap pabalik. Pero syempre joke lang iyon, hindi ko lang talaga siya matiis. Ang dami niya kayang ginawang pangbawi sa akin.


Okay lang sana kay Amang, boto naman siya noon kay Cloud. Ang kaso kasi, dahil sa pagkalagay namin sa bingit ng alanganin kay Alde ay nanlamig ang parents ko sa kanya. Hindi namin sila masisisi. Anak nila ako, bunso pa. Naturalmente na matorete sila na si Cloud ang boyfriend ko, at itinago pa namin iyon sa kanila.


Pero sapat na siguro ang ilang taon na nagtiis kami sa text-relationship at minsanang pagkikita. Bihira kami magkita, 'tapos kapag magkikita kami, may curfew pa at madalas sa condo nina Ate para talagang may bantay kami. Pero kahit ganoon ay wala akong reklamong naririnig mula sa kanya.


Tamang ngitian, kuwentuhan at hawak-kamay na lang. 'Pag sinu-suwerte kiss sa pisngi at smack sa lips.

Knight in Shining AbsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon