Chapter 10
Kagaya noong unang beses ko siyang makita na may kasamang iba ay ganoon pa rin ang naramdaman kong sakit nang mahuli ko siya ulit. Sinasabi niyang nasa ibang lugar siya ngunit iba ang nakikita ng mga mata ko. Hindi lang dalawang beses kundi maraming pagkakataon.
Hindi meeting, family reunion o emergency shoot ang nakikita kong kanyang pinupuntahan gaya ng sinasabi niya. Dahil sa tulong ng mga kaibigan ko, nina Grace at Jen ay natutunton namin si Cloud sa mga bars, sa mga parties at kung anu-anong lugar na makikitaan ng alak at babae.
Sa lahat ng iyon ay tahimik lang ako. Ni magtanong kapag nagkikita na kami ay di ko nagagawa. Lahat ng hinabi kong mga dapat sabihin ay kusang nawawala kapag nakakaharap ko na siya.
Ilang buwan ang lumipas na smooth pa rin ang samahan naming dalawa. Hindi ko siya nina-nag. Wala akong ginagawa na anything na ikaka-irita niya sa akin.
Hindi naman niya ako opisyal na nobya. Wala naman siyang sinabing paglilinaw sa relasyon namin kayo wala akong malinaw na karapatan sa kanya.
"HI." Alas-tres ng hapon palang at maaga ang uwian ko na saktong tumugma sa free time niya.
Sumakay ako sa passenger seat ng kanyang bagong sasakyan. Isang itim na Jaguar iyon. Iba sa mga sasakyang madalas niyang dala kapag sinusundo niya ako.
Napansin ko rin ang kaibahan sa suot niya ngayon.
Simpleng T-shirt na kulay itim at pantalong kupasin sa gawing pang-ibaba. May hoodie rin siya na kulay matingkad na asul. Wala siyang suot na mga burloloy katulad ng singsing sa mga daliri at makintab na silver earrings sa kanyang tainga. Ni kuwintas ay wala rin siya. Simpleng-simple lang ang porma niya ngayon na di gaanong pansinin kung di lamang makikita ang napakaguwapo niyang mukha.
"For you." Mula sa backseat ay may kinuha siyang pumpon ng rosas na kakulay dugo ang sobrang kapulahan.
"Thanks." Kiming nginitian ko siya. Sa lahat ng babae sa buhay ni Cloud ay proud ako na ako palang ang nakakatanggap ng bulaklak mula sa kanya.
Ini-start niya ang makina at nakangising lumingon sa akin. "Saan tayo? Are we gonna eat muna or...you know, I missed you!" Kumindat pa siya sa akin.
"Magsimba muna tayo," mabilis kong sabi.
"Simba?"
"Oo. Magpapasalamat lang," ani ko habang sinasamyo ang bango ng mga rosas.
"For?" Kumunot ang makinis na noo niya.
"Marami tayong dapat ipagpasalamat, mister."
"Gaya ng?"
"Pang siyam na buwan na natin ngayon." Sabi ko na di tumitingin sa kanya, simply because I don't want to see his reaction.
BINABASA MO ANG
Knight in Shining Abs
General Fiction"Iiyak ka pa sa akin, mamahalin mo pa ako ulit at lolokohin pa kita ulit kaya hindi pa ako pwedeng mamatay." - Cloud Deogracia Cloud Roak Deogracia is a notorious womanizer extraordinaire. Pero bulag ang minor at probinsyanang si Danica sa katotoha...