Chapter 14

436K 12K 4.2K
                                    

Chapter 14


"WHAT the hell is wrong with you?!"


I ordered myself to stay cool as I eyed the man who gave me this fuc king awesome life.


Si Don Manuel Crassus Deogracia. The great philanderer.


"You didn't attend the meeting again!" He shouted.


"What's new?" I asked calmly. This is the best way to annoy him, by staying calm. "I never attended any meeting that you want me to attend to."


His face turned red. "This is for your future! It will benefit you in the end!"


This is enough. Iniunat ko ang aking paa sa center table at pinagsalikop ang aking mga palad. "I don't need anything from you." I said to him. Nakapagtatakang umiksi bigla ang pasensiya ko sa matandang ito. "Just leave me alone, will you?"


His eyes widened in disbelief. Dinuro ako ng daliri niyang may malaking bato na hula ko ay higit pa sa milyon ang halaga. "Ingrato! Mabuti sana kung hindi nananalaytay sa ugat mo ang dugo ko!"


I rolled my eyes and gave him a naughty grin. "Utang na loob ko ba sa'yo iyon?"


Tumayo ako mula sa sofa. Ang aga-aga pupunta siya rito sa place ko just to nag me? At ipangalandakan sa akin ang utang na loob kong nabuo ako sa mundong ito dahil sa kapabayaan niya? Pumamulsa ako at hinarap ang lalaking pinagkakautangan ko ng aking buhay.


"This is for you! Para sa inyong magkakapatid! Kayo ang magmamana ng lahat ng pinaghirapan ko! Ng mga ari-arian ko! Tonto del culo!"


"How many times do I need to repeat this to you? I. DONT. NEED. YOUR. MONEY!" I have my own money at hindi ko kailangan ni isang kusing na magmumula sa kanya, so why bother?


Umismid siya. "Anong klaseng pagpapalaki ang ginawa sa'yo ng ina mo?"


"Tang inang 'to, ah." I whispered under my breath.


Dagli siyang napahawak sa kanyang dibdib. Shock was written all over his face. "What did you just say?"


Kahit na may galit ako sa sarili kong ina ay hindi ko pa rin matatanggap na ito pang mismong taong ito ang iinsulto sa kanya. "Wag mong idamay si Mommy sa init ng ulo mo sa akin! At 'wag mo akong matawag-tawag na ingrato, dahil maliban sa semilya ay wala ka ng naiambag sa akin hanggang sa maabot ko ang edad na ito!"


"Te puta madre!"


Tinabig ko ang vase na nasa ibabaw ng center table. "Asikasuhin mo ang mga anak mo kay Isadora at 'wag mo akong papakialaman!"


"Dad! Cloud!" Biglang bumukas ang pinto at iniluwa niyon ang panganay kong kapatid sa ama ni Michael Angelo Deogracia.


Sa kasamaang palad ay isa lang ang naging anak niyang lalaki sa tunay niyang asawa, isa sa mga dahilan kung bakit pinipilit niya ako ngayong tulungan siya sa pag-aasikaso sa marami niyang negosyo.

Knight in Shining AbsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon