Chapter 6

524K 13.1K 4.4K
                                    

Chapter 6


TANGHALI na nang magising ako. Eleven thirty. Napuyat na naman kasi ako kagabi kakanilay-nilay ng ilang bagay. Semestral break at nandito ulit ako ngayon sa Cebu. 


Basta ko na lang ipinuyod ang nagbuhol-buhol kong buhok dahil sa pagkakahiga at saka nagpalit ng damit. Pinili ko iyong T-shirt na inarbor ko kay Kuya T. Malaki iyon at cotton kaya presko. Ganito naman ang lagi kong suot dito sa bahay, pulos maluluwag. Sa labas lang naman kasi ako pumoporma at nagpapa-girl.


Ako pa rin kasi iyong dating si Dangdang. Walang arte sa katawan at simple lang. Mas simple, mas kumportable kasi.


Nagbago lang naman ako dahil kay Cloud Deogracia, iyong lalaking minahal ko. Akala ko kasi kapag naging dalaga ako na sexy, maganda at mukhang sosyal ay magkakagusto siya sa akin. Pero hindi, katulad lang ako ng ibang babaeng nakakakuha ng pansin niya. Napansin niya lang ako dahil halos akitin ko na siya, pero pagkatapos non, tapos na.


Ang saklap lang ng first love memories ko. Saglit palang ang 'hello' ay 'goodbye' na agad.


It's been two weeks already pero ni 'ha' ni 'ho' ay wala siyang paramdam sa akin.


Hindi naman sa nagpapa-miss ako at nagpapa-baby, pero dapat naman niya talaga akong contact-in kung tutusin. May nangyari samin at siya ang nakauna sa akin kaya 'di ba dapat nagworry siya nang magising siya na wala ako sa kanyang tabi?


Kahit man lang sana kaunti ay nagpakita siya ng concern sa akin. Pero wala. Kung gugustuhin naman niya ay madali siyang makakahingi ng number ko kina Ate Rosenda at Kuya Terrence pero di niya ginawa. O kahit number dito sa bahay di niya hiningi.


Kung malalaman lang ng pamilya ko ang mga kagagahang nagawa ko ay baka maibitin nila ako ng patiwarik. Pero anong magagawa ko? Sagad magmahal ang isang Castillo!


"Ahhh!" Napasubsob ako sa mga palad ko.


Araw-araw sinasabi kong magmu-move on na ako pero bakit ganito?


Paano ko nga ba makakalimutan ang lalaking iyon kung sa bawat parte ng kuwarto ko ay nakikita ko ang mukha niyang saksakan ng guwapo?


Idol ko siya noon pa man, puppy love at ngayon ay first love. Hindi lang iyon, first everything din. Ngayon, paano ko siya makakalimutan? Baka kahit mag-55 years old na ako, siya pa rin.


Pinagbabaklas ko ang mga photos at posters niya sa mga dingding pati sa kisame. Hindi ko siya dapat isipin dahil malamang na hindi rin naman niya ako iniisip ngayon. Sa aming dalawa, ako lang mahihirapan kung di ko ititigil ang kalokohang ito.


Tumagilid ako at inabot ang drawer sa tabi ko. Kinuha ko mula ron ang remote at saka itinutok sa TV pagkatapos. Katulad ng mga nakaraang araw, ito na naman ang siste ko. Dito lang ako sa kuwarto magkukulong maghapon.


"Ano ba iyan?" ungol ko ng bumukas ang TV pero malabo lahat ng channels. Nagalaw na naman siguro ang antenna.


Padaskol akong tumayo at bumalik sa bintana. Sinilip ko muna kung may tao sa baba at nang matiyak na wala ay inakyat ko iyon at inayos ang antenna ng TV. Wala kasing cable dito sa kuwarto ko kaya naka-antenna lang ako.


Dahil wala ng Cloud, kailangan ko na ring balikan ang dati kong sarili. Ako si Dangdang, wala akong pakialam kahit magalusan ako sa tuhod at siko, kahit mangitim ako sa araw o kahit pa magka-muscle ang katawan ko sa kakabuhat ng mabibigat na kung ano-ano.


Knight in Shining AbsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon