Chapter 19
"DAMN, baby!" Napausog siya sabay harang ng dalawang braso sa kanyang mukha.
"Ano, masakit? May pamura-mura ka pa riyang nalalaman. Kung di ka nakipag-suntukan dun sa tao di ka sana nagkaganyan." Kastigo ko sa kanya. "Ikaw kasi!"
Kumuha ulit ako ng bulak at nilagyan iyon ng betadine. Di naman na kumibo si Cloud ng isalpak ko ulit iyon sa gilid ng labi niya bagamat kitang-kita ko ang pagngiwi ng kanyang mukha.
"Ano? Masakit pa ba?"
Umiling siya saka tumungo.
Hmp. 'Tong poging ito, akala mo kung sinong matapang na nakikipagbakbakan kanina, 'tapos ngayon heto at alcohol at betadine lang eh, takot na takot na.
"Gusto mong kumain?" Tanong ko.
Umiling siya at saka sumandal sa couch.
"Kape?"
Tumingin siya sa akin. "Ihahatid na kita sa inyo, baka hinahanap ka na."
"Wala namang text si ate, di pa nila alam na wala ako sa kuwarto ko." Sumandal ako sa couch at tumingin din sa kanya.
Umirap siya. "Bad girl..."
Napangisi ako.
Sinipat ko ang wallclock sa sala, mag-a-ala una y media na pala ng madaling araw. Malamang naghihilik pa si ate kaya di niya mapupunang wala ako.
Natagalan din kasi ako sa pag-awat kay Ryan at Cloud. At kung kung di pa nga natauhan si Cloud ng mag-iiyak ako kanina ay baka napatay niya na si Ryan. Dehado sa kanya iyong tao kasi nakainom ito, gayunpaman marami ring natamong galos si Cloud mula sa lalaki.
Napalingon ako ng kalabitin niya ako sa balikat.
"O?"
"Wag mo ng uulitin iyon?"
"Hmn?" Yumakap ako sa bewang ni Cloud.
"Iyong lalabas ka ng ganong oras just to meet a guy. Paano kung wala pala ako ron?" Seryosong bilin niya.
Tumango ako at saka nagsumiksik sa kanyang matigas na dibdib. Kung di lang ako hahanapin ni ate kinabukasan ay gusto kong matulog dito na kasama si Cloud. Nakaka-relax ang amoy ng mamahaling cologne niya na hinahaluan ng natural na amoy lalaki. Iyong amoy baby na amoy pogi, hehe.
Tumingala ako at saka siya nginisihan. "Di na mauulit."
Napa-palatak siya. "Dapat lang!"
Ngumuso ako. "Bakit ka nga pala nandon?"
BINABASA MO ANG
Knight in Shining Abs
General Fiction"Iiyak ka pa sa akin, mamahalin mo pa ako ulit at lolokohin pa kita ulit kaya hindi pa ako pwedeng mamatay." - Cloud Deogracia Cloud Roak Deogracia is a notorious womanizer extraordinaire. Pero bulag ang minor at probinsyanang si Danica sa katotoha...