Chapter 27
I WAS IN CALIFORNIA FOR THREE MONTHS.
After sa Maldives, pumuna ako ng Cali para asikasuhin ang naiwang properties doon ng lolo ko sa mother's side. Ako lang naman ang tagapagmana kaya binenta ko ang lahat at idinonate sa kung saan-saang organization.
Kakauwi ko lang ngayon sa Pilipinas. Ngayon ay tambak naman ang kakaharapin kong trabaho rito. Hinahanap na ako ng lawyer ng kompanya na naiwan ng lolo ko. Wala pa akong plano kung ano ang gagawin ko roon. Ang dami ko pa ngang lupa rito sa Pilipinas na kailangang asikasuhin.
Nauubos ang oras ko sa pag-aasikaso, hindi ko tuloy magawang magpakasaya. Sabagay, lolokohin ko lang naman ang sarili ko kung susubukan kong magpakasaya.
Damn it.
Itinapon ko ang upos ng sigarilyo sa nakabukas na bintana. Nasa bahay ako ngayon ni Alde, I was just checking on her. Kahapon ko pa sana siya pupuntahan pero ngayon lang ako nagka-time. Inayos ko pa kasi ang papeples ng mga lote ko sa Nueva Ecija.
"Cloud..."
Nilingon ko siya. Ang laki ng ipinagbago niya mula nang huli ko siyang makita. Sobrang payat niya lalo ngayon. Halos bungo na lang ang mukha niya. Para na rin siyang papel sa sobrang putla.
I wonder kung kailan ako magiging katulad niya...
Hindi totoong magkasama kami sa Maldives. Siguro nagkasama kami pero hindi tumagal ng limang oras ay umalis din siya.
"What?" Namulsa ako at pinakatitigan siya.
Mahina siyang tumawa saka muling nagseryoso. "May ipagtatapat kasi ako sa'yo, mabuti at nagpunta ka rito."
"What is it?"
"You're clear," she said. "Congrats."
"What?" Kumunot ang noo ko.
"Wala kang aids. Mabubuhay ka pa ng matagal, iyan ay kung di ka mabubundol ng sasakyan sa labas o di naman kaya ay mahuhulog sa building na ito." Pagbibiro niya.
"But I am positive..." Namangha ako habang nakatingin sa hupyak at maputla niyang mukha.
Pinapunta niya ba ako rito para lokohin? Nalaman niyang nakauwi na ako ng bansa kaya pinapunta niya ako para ipaalala sakin ang mga nawala?
Kung di dahil sa isiping may aids ako ay hindi ko aasikasuhin ang mga minana kong properties at negosyo na mula sa lolo ko. Hindi rin ako mapapalapit sa mga kapatid ko at mas lalong hindi ko makikita kung gaano ako ka-selfish na tao dito sa mundo.
Tanggap ko na ang kahihinatnan ko. Actually, I was looking forward to it. Pagod na ako, gusto ko nang magpahinga.
BINABASA MO ANG
Knight in Shining Abs
Ficção Geral"Iiyak ka pa sa akin, mamahalin mo pa ako ulit at lolokohin pa kita ulit kaya hindi pa ako pwedeng mamatay." - Cloud Deogracia Cloud Roak Deogracia is a notorious womanizer extraordinaire. Pero bulag ang minor at probinsyanang si Danica sa katotoha...