Chapter 24
"SIR?" Namilog ang mga mata ng babae.
Lahat ng gamit nito mula sa damit, bagahe hanggang suot na sapatos ay kulay violet, isa sa mga bagay na nakakairita rito.
"Pumunta ka kahit saan mo gusto, kung kukulangin ito ay dadagdagan ko pa."
Gumuhit ang matamis na ngisi sa bibig ni Azula Madlangbayan. Ang maid ko na hindi ko magawang utusan na walang suhol o hanggat hindi muna ako naghihingalo.
Niyakap nito ang envelope na kinalalagyan ng fifty thousand pesos in cash.
"Pero kailangan niyo pa rin akong swelduhan, Sir, ha? Bukod pa ito." Paniniguro nito. Sa likuran nito ay naroon na ang ilan nitong bagahe para sa matagal-tagal nitong bakasyon.
Kakabalik lang nito mula sa bakasyon pero nakahanda akong gumastos para lang magbakasyon ulit ito. Kahit saang probinsiya ito magpunta o kahit libutin pa nito ang buong Pilipinas ay wala akong pakialam. Ang tanging gusto ko lang ay manahimik ang unit ko. Ang mapag-isa ako.
"Yeah, I know! Ide-deposit ko na lang sa account mo ang pera!" I said to her.
"Pero wala akong account sa bangko, Sir?"
"Gumawa ka!" Yamot kong saad. Pati ba naman iyon po-problemahin ko pa?
Tumulis ang nguso nito. "Eh, hindi ako marunong, Sir. Papahirapan mo pa ako! I-padala mo na lang sa LBC o Cebuana! Ite-text na lang kita."
"Gawin mo ang gusto mo just go away! Umalis ka at 'wag kang babalik hanggat di ko sinasabi."
"Yes, Sir!" Sumaludo ito at saka tumalikod na.
Nang wala na ito sa paningin ko ay naupo ako sa sofa. Hinilot ang nananakit na ulo.
God! Saan ko ba nakuha ang maid na iyon? Bakit kasi kailangang magka-maid pa ako kung puwede naman ang chambermaid! That woman in violet is pain in the ass!
Biglang bumukas ang pinto na ikinainit lalo ng ulo ko.
"I told you to leave, right?!" Singhal ko wala pa man.
Pero hindi si Yaya Azula ang nalingunan ko.
It was Alde Rose. Matalim ang tingin nito habang nakahalukipkip.
"Pinagtataguan mo na talaga ako."
"What the fuck are you doing here?"
"Fuck?" Ngumisi ito nang sarkastiko. "Wala na bang lalabas diyan sa bunganga mo kundi ang salitang 'fuck'?"
BINABASA MO ANG
Knight in Shining Abs
General Fiction"Iiyak ka pa sa akin, mamahalin mo pa ako ulit at lolokohin pa kita ulit kaya hindi pa ako pwedeng mamatay." - Cloud Deogracia Cloud Roak Deogracia is a notorious womanizer extraordinaire. Pero bulag ang minor at probinsyanang si Danica sa katotoha...