Chapter 11

439K 11K 8.2K
                                    

Chapter 11


ANG tagal kong hinintay na sumapit ang concert ng Black Omega Society band. Ito na lang kasi ang pagkakataon na pinayagan ako ni ate Rosenda na abutin ng gabi sa labas. Hindi na sumama si ate kasi may new baby siyang inaalagaan, si kuya T naman ay nasa business out of town kaya wala rin ito. At kahit nanghihinayang ang mga supporters and fans dahil kulang ang BOS ay push pa rin ang concert.


Di mahulugan ng karayom ang loob at labas ng arena. Mabuti at VIPs kami nina Grace kaya nasa unahan na kaagad kami ng stage. may mangilan-ngilang guards ron at mga crew.


Bago magsimula ang concert ay nakipagkita muna ako kay Cloud. Good thing na kilala na ako ng manager nila as kuya Terrence's sister-in-law. Parang baby sis na rin ako ng BOS. Tuloy-tuloy lang ako sa dressing room nila kasama ang tatlong bodyguards na ipinasama sa akin ng manager.


Ang unang nakapansin sa akin ay si kuya Macoy. Nakangisi agad ito at sumalubong ng yakap sa akin.


"Hello, baby sis!"


Halos malunod ako sa bango ni kuya Macoy. Pati pawis ang bango. Naka-sando lang itong puti at kitang-kita ang malapad nitong balikat. Nang makita ako ng iba ay napatayo na rin sila.


"Hi kuya!" Niyakap ko rin si kuya Santi na parang napakaaliwalas ng mukha sa pagkakangiti. Inlove kasi kaya ang gaganda ng mood.


Lahat sila ay nakangiti including Cloud na ngayon ay palapit na sa akin. Payakap na rin sana sakin si Cloud pero hinawakan ni kuya Kyo ang kuwelyo niya.


Parang naaasar na nilingon ito ni Cloud. "What? Montenegro?"


"Back off." Matalim ang titig ni kuya Kyo.


Sa lahat pala dito ay mukhang si kuya Kyo lang ang di masaya. Sabagay, sa lahat sa kanila ay si kuya Kyo ang mahirap espelengin ang ugali. Pero ang nakapagtataka lang kay kuya Kyo ay parang concerned siya sa akin lalo na kapag lalapit sa akin si Cloud. 


Naku, kung alam lang nilang lahat na matagal na kaming may unawaan ng kabigan nila.


"May itatanong sana ako kay Cloud," paalam ko sa kanila.


Kanya-kanyang kunot ang kanilang mga noo lalo na si kuya Kyo.


Tumango si kuya Macoy. "Ulap, bahala ka na kay Dangdang."


"Sige." Ngingisi-ngisi naman ang mahal ko habang hinihila na ako patungo sa kabilang pinto ng dressing room.


Nang kaming dalawa na lang ay siniil niya agad ako ng halik sa labi. Agad naman akong napayakap sa kanya. Para kaming uhaw na uhaw sa isa't-isa. Matapos ang ilang saglit ay saka palang kami naghiwalay.


"Babae ang bagong vocalist niyo?" Humihingal na tanong ko. Narinig ko lang iyon sa kausap ng manager ng BOS kanina.


"Yes." Humihingal din niyang sagot. Naupo siya sa naroong couch at saka ako hinigit sa bewang para mapaupo sa kanyang kandungan sabay pasok ng isang kamay niya sa loob ng short ko.

Knight in Shining AbsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon