Chapter 29

386K 11.1K 3.5K
                                    

Trigger warning: Violence


Chapter 29


"'Wag! Danica, 'wag! I'd rather die than to let you do that! Please, don't do it, baby!"


Napatingin ako kay Cloud. Luhaan siya at nanlalaki ang kulay abong mga mata.


Mararamdaman niya rin kaya ang sakit na naramdaman ko nung makita kong may ibang babaeng gumawa sa kanya ng ipinapagawa sakin ni Alde ngayon?


Hindi ko pa rin kasi maintindihan hanggang ngayon. Hanggang ngayon naguguluhan pa rin ako.


Anong nangyayari? Hindi ba magkasama sila sa ibang bansa? Bakit siya sinasaktan ni Alde? At bakit kinidnap ako? Bakit umiiyak si Cloud habang nagmamakaawa sa akin. 


Totoo bang mahal niya ako?


Bakit niya ako sinaktan? Bakit sinayang niya ang huling pagkakataon na ibinigay ko? Ang higit na gumugulo sa isip at puso ko, ay bakit sa kabila ng lahat ay nananaig sa akin ang pag-aalala sa kanya. Pero hindi ko pa rin kayang gawin ang inuutos ni Alde. Hindi ko talaga kaya! Pero paano kung totohanin nito ang banta na papatayin si Cloud?!


Nagpupumiglas si Cloud. Ni di niya alintana na bukod sa nakagapos siya ay pigil-pigil pa siya ng ibang tauhan ni Alde. 'Tapos hindi pa nakasara iyong zipper niya at nakalabas pa iyong ano niya.


Sana iyon na lang ang ipasubo sa akin ni Alde.


Kung iyon siguro, masisikmura ko pa. For old times sake, saka para na rin mailigtas ang buhay niya. Sasampalin ko na lang siya kapag nakatakas na kami rito.


"Don't do it, Danica!"


"Pero  papatayin ka nila..." anas ko.


Umiling siya. "Para mo na rin akong pinatay, Danica! I swear to you, ako mismo ang papatay sa sarili ko kapag itinuloy mo iyan! Hindi kita mapapatawad!"


Napahikbi ako. Anong gagawin ko? Anong dapat kong gawin? Papatayin siya ni Alde kapag hindi ko ginawa. 


"Alde!!!" Naghuhumiyaw si Cloud na parang kinakatay siya.


"Lumayo ka, Sancho," utos ni Alde na ikinatingin ko sa kanya. Nakokonsensiya ba siya? Sana. Sana kahit demonya siya, sana maisipan niyang makonsensiya.


"Boss?" Halata naman sa mukha nung Sancho na umasa siya sa wala.


"Lumayo ka sabi!" gigil na sigaw ni Alde.


Gumewang mula sa pagkakatayo si Alde at agad siyang inalalayan ng mga tauhan niya. Tila nahihilo ang babae. "Pakikuha iyong mineral water saka gamot ko sa kotse, dalhin niyo sa van!" utos niya sa mga tauhan.


"Itong mga ito?" tanong ng isang tauhan niya na ang tinutukoy ay kaming dalawa ni Cloud.


Knight in Shining AbsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon