Chapter 25
"IS EVERYTHING ALRIGHT?"
I sat down on the couch. I was at my brother's house when Alde called. Masyado akong nagging busy nitong mga nakaraang araw dahil na rin sa kagustuhan kong maging abala.
Kabi-kabila ang mga photoshoots ko. Pagdalaw ko sa panganay kong kapatid at sa mga negosyong iniwan sa akin ni Mommy. Balak ko ring magpa-book ng ticket abroad. Iyong iba-ibang lugar para maubos ang oras ko. Nakaka-bored na rito sa bansa, walang kuwenta ang mga nangyayari.
"Y-yes..." Alde smiled. "I'm really glad you came over. I'm sorry sa mga nasabi ko nong nakaraan, Cloud."
"Bakit ayaw mong magpagamot?"
"Mamamatay na rin naman ako, eh." Ngumuso ang babae at saka isinubsob ang mukha sa throw pillow. Nasa katapat ko siyang couch.
"Silly." Ipinilig ko ang aking ulo. Hinimas ang nananakit na batok.
"You? Bakit ayaw mong magpagamot? Malay mo maagapan pa."
My jaw flexed. For what?
Napaismid ako. Para sakin wala akong sakit. Wala lang 'to. Ni di ko na iniinda. And I don't fucking care kahit mamatay ako ngayon mismo.
Saka nasa malalang stage na ako. Hindi ko uubusin ang oras ko para lang sa pagpapagamot. Hindi ko uubusin ang oras na katulad ng ginawa noon ni Mommy.
"Ang bilis mong sumuko..." mahinang sabi ni Alde.
"Nakakapagod na rin," bulong ko.
Pagod na pagod na ako.
"Yeah, you're right."
Iniwas ko ang tingin ko kay Alde. Wala naman na talaga akong balak puntahan pa siya kung di lang siya tumawag sa akin. niya para sabihing hindi ito umiinom ng gamot. Nagsusuka siya mula umaga at parang lantang gulay na gumagapang sa sahig.
She's miserable. Mas pinapalala niya ang sitwasyon. Hindi kami ganoong ka-close pero di ko rin naman siya matitiis. See? I can be a good guy. Nakakatawa pero oo, may konsensiya na ako.
"Look at me, I am so ugly now. Look at my skin, my face and my body."
"Inisip mo pa talaga ang itsura mo."
Nabasag ang boses ng babae. "I used to be very beautiful. Hinahangaan ng lahat... ang katawan ko, ang boses ko, ang galaw ko. Ang daming lalaking gustong mahalin ako."
"Pero inabuso mo."
"Huh! Look who's talking?" Nanlisik ang mga mata niya. "Pareho lang tayong kulang sa pansin, kaya nga nag-showbiz tayo, 'di ba? Kulang kasi tayo sa atensyon, sa pagmamahal. Tingnan mo, ang daming humahanga sa'yo, kali-kaliwa ang mga babae mo."
BINABASA MO ANG
Knight in Shining Abs
General Fiction"Iiyak ka pa sa akin, mamahalin mo pa ako ulit at lolokohin pa kita ulit kaya hindi pa ako pwedeng mamatay." - Cloud Deogracia Cloud Roak Deogracia is a notorious womanizer extraordinaire. Pero bulag ang minor at probinsyanang si Danica sa katotoha...