5

33 1 0
                                    

"Ling."

Biglang nanubig ang mata ko nang marinig ang palayaw ko. Ilang taon na.. three years ko nang hindi narinig ang pangalan 'yang na sambitin ng magulang ko.

"Anak... Sorry."

Tuluyang tumulo ang luha sa mga mata ko nang yakapin ako ni Papa. Grabe, hindi ako makapaniwala! Mahigpit ang yakap ko kay Papa, ayaw ko siyang pakawalan. Ayaw. Miss na miss ko na siya. Hindi ako kumawala sa yakap niya. Umiyak ako ng umiyak kay papa. Hinahagod niya ang likod ko para patahanin ako.

Kanina lang iniisip ko sila, ngayon nasa harapan ko na sila. Grabe, God is Good talaga. Hindi lang talaga ako makapaniwala. It felt surreal.

Maya maya pa ay narinig ko ang boses ni Mama. Kaya mas lalo akong naiyak. Nang kumawala ako sa yakap ni papa ay niyakap naman ako ni Mama. Gaya ko ay umiiyak din siya. Paulit ulit siyang humihingi ng tawad sa akin. Hindi ko na talaga bibitawan si mama.

"Anak I'm so sorry." Umiiyak na saad ni mama. "Mahal ka ni mama ha." Nahihirapang saad niya.

"Gusto ko talagang umuwi noon anak pero... Pero pinakiusapan ako ng nanay ng pasyente na maging successful ang operasyon ng anak niya." Hindi na siya makapagsalita ng maayos kakaiyak. Nahahawa ako sa kaniya.

"Pero... Binawian ng buhay ang anak niya. Hindi na niya kaya." Saad ni mama bago yakapin ako ulit ng mahigpit.

Wow, nakiusap? Unfair naman.

"Eh bakit ako. Nakiusap din naman ako sa inyo ah." Hindi ko na kayang pigilang sabihin  ang mga hinanakit ko. "Nakiusap ako ng maraming beses na umuwi muna kayo kasi kailangan ko kayo."

"Palagi mong sinasabi kailanagan ka ng pasyente. Ako ma... Paano ako? Kailangan din naman kita. Anak mo'ko." nahihirapan na akong huminga dahil sa sobrang pag-iyak. Naaalala ko 'yong araw na umiyak ako ng umiyak dahil hindi makakauwi sila mama rito. Ako ang nag-aalaga sa sarili ko kapag may lagnat ako. Nawalan ako ng ganang kumilos, nawalan na ako ng ganang mabuhay pa. What's the point kung aanak ka tapos pababayaan mo lang? 'Di ba, useless. But the grace of the Lord is on me. Hindi ako pinabayaan ng Panginoon, he is always there for me. Hindi siya nagkulang, hindi niya ako pinabayaan.

"Minsan gusto ko nalang naging pasyente para maalagaan niyo." Pagtangis ko. "Gusto ko nalang magkasakit para bigyan niyo 'ko ng atensyon."


"I was here... Hinihintay na pansinin mo ako."


Mas lalong naiyak si Mama sa mga sinabi ko. Nag sorry lang siya ng paulit ulit. Hindi ko na mabilang. Hindi na mababalik ng sorry lahat ng pinagdaanan ko pero kahit paano ay nabawasan ang sakit na nadarama ko. Kahit paano nakaramdam ako ng saya dahil nandito na sila. Maaalagaan na nila ako. Hindi ko na kailangan pang problemahin lahat.

Pinaupo niya muna ako sa dining dahil nanghina ako bigla. Sumasakit na din ang mga mata ko.

Nang kumalma na ay tahimik lang kong pinagmasdan ang mga mukha nila. Mugto ang mga mata nila Papa at Mama kakaiyak.

"Nak s-sorry." Naiiyak na saad ulit ni Mama. Ngumiti nalang ako sakaniya ng pilit. Tumango tango lang ako at tumahimik ulit. Gusto ko nang magpahinga ulit.

Lumipas ang ilang minutong tahimik lang ako. Tanging sorry lang ang naririnig ko kay Mama.  Nagluto nadin si papa ng paborito kong ulam na adobong manok. Naninibago ako ngayon dahil hindi sila ang gumagawa nito. Gusto ko ulit maluha. Ganito pala ang pakiramdam nang uupo ka nalang sa hapag at hihitay na maluto na ang pagkain. Matagal na ako'ng nawalay sa mga panahong 'to kaya susulitin ko na habang hindi pa babalik sila Mama sa Manila. Alam ko naman eh, babalik padin sila sa trabaho nila. Aalagaan lang nila ako at babalik din doon.

Admiring You From AfarWhere stories live. Discover now