"Water break! Water break everyone!"
Agad kong kinuha ang tumbler ko at uminom ng tubig. Last na training namin 'to, dahil bukas magpapahinga kami at sa susunod na bukas, sasabak na naman kami sa madugong labanan. Kailangan naming maging champion!
Napatigil ako sa pag-inom ng tubig nang maalala ko siya. Shet talaga, nakakagigil! Hindi alam ng mga kaibigan ko, at ayaw kong ipaalam sa kanila. Simula noong nagkita kami ay walang oras na hindi nagwawala ang puso ko. Alam kong may posibilidad na magkita ulit kami.
Nahihingal na ako sa pagod, kinuha ko ang panyo para punasan ang pawis ko. Kapagod talaga.
"Tulala ka te?" naupo sa tabi ko si Rhyme.
Napa-inom ulit ako ng tubig. "Gutom na ako." sambit ko.
"Akala ko iiwan mo talaga 'yang tumbler mo, mukhang napamahal ka pa nga ah." puna ni Fherin. Napangisi ako sa kaniya, buti nalang talaga at may kaibigan akong nasasayangan kahit sa simpleng bagay.
"Well, thanks to you." sambit ko at ngumisi.
Umakto pa siyang parang na-touch siya sa sinabi ko. Tinawanan ko nalang siya, maikling oras lang ang water break, kaya training na naman ulit.
The training went smoothly at mabilis lang natapos. Our coach value our health the most, kaya hindi niya kami pinagod sa sobrang training. Baka raw magkasakit pa kami at hindi makalaro, hassle talaga 'yon!
Nag-text ako kay Papa na magpapasundo ako. Day-off kasi ni kuya Arnel. Pero nag-reply si Papa na busy siya. Kaya okay. Ayaw ko namang makaabala ng tao, istorbo lang ako. Kaya ko namang umuwi mag-isa, malapit lang naman ang condo ko. Kahit nga lakarin ko lang ay makakarating ako on time. But the problem is... sobrang init ng panahon ngayon.
Nag-grab nalang ako. Naghihintay ako ng grab habang nakikipagkwentuhan kila Rhyme. Pinag-uusapan nila 'yong lalaking anak ni coach. Nang lingunin ko si Keithleen ay parang may kumikiliti sa kaniya dahil sa kilig.
Hindi ko nakita ang mukha pero gwapo raw 'yong anak ni coach. Nakita ko lang na matangkad at alam kong type ni Keith 'yon. Napangiti nalang ako sa kanila.
"Narinig ko boses niya kanina mga te! Ang cold pakinggan!" pigil tili na sambit Keithleen.
"Gaga, baka may jowa na 'yon." siniko pa ako ni Fherin. "'Di ba?"
"Yeah, kasi impossible namang walang girlfriend ang mga ganyang mukha. Pogi!" si Rhyme naman.
Nakikinig lang ako sa usapan nila, ayaw kong makisawsaw. May naiisip na akong iba, kahit ayaw niya sa akin. You can see it on his face, naging cold as ice cream nga siya. Parang hindi niya ako kilala. Pagkaabot ko nga ng tumbler ko ay tumalikod din siya kaagad, at naglakad palayo sa akin! Duwag talagang baklang 'yon.
"Ikaw Leigh? Anong naisip mo sa anak ni coach?" tanong ni Rhyme.
Nakatulala lang ako kaya hindi ko masyadong narinig ang pinagsasabi niya. "Huh?" tanging sabi ko.
"Ikatlong ulit ko na nga eh!" reklamo niya.
"Englishin mo kasi." suggest naman nitong si Fherin.
"Okay naman," sagot ko. Napatingin naman sila sa 'kin.
"Be specific naman, anong klasing okay?" tanong ulit nila.
"Sakto lang ganon," napakamot pa ako aa batok ko, 'di sure sa sagot ko. Hindi ko naman kasi clearly nakita ang pagmumukha ng anak ni coach, nahagip lang ng nata ko dahil matangkad. Iyon lang.
"Bff seryoso ka ba? Baka need mong magpa-check sa E.O." linapit pa ni Rhyme ang mukha niya sa 'kin, inurong ko naman ang mukha ko. OA talaga.
"Were my answer wrong? Sakto naman talaga ah." sambit ko. "I didn't even saw him clearly earlier, that's why I said sakto lang." pagdedefend ko sa sarili ko. Tama naman ako ah!

YOU ARE READING
Admiring You From Afar
RomanceThey said It's good when you have a gay best friend but what would you do if you fall for him ever since you two were young? This is the story of a girl and a boy who had been always together or in other word they were best friends but the girl need...