Nandito ako ngayon nakikinig sa madaldal na katabi ko. Akala ko sapat na si Ion sa pagiging madaldal, pero may mas humigit pa!
"Akala ko kasi talaga ang pogi," saad pa niya at inalog-alog ang balikat ko.
Okay. Hindi ko rin alam kung papaano kami nag-uusap now. Kasi hindi ko ineexpect. Remember na palagi akong naglalaro ng online games dati? Ito namang si Dylan nakilala ko siya dahil minsan na kaming nag-duo. Magaling din siyang maglaro gaya ko. Hindi ko lang talaga na-expect na magkikita kami, at dito pa talaga sa Bellibe High! 'Di naman kami close neto at ang daldal na!
"Kasi nga pogi typings ka," nakangiting saad niya at kumindat pa. Ang landi, akala mo naman matagal na kaming magkakilala.
Of course matagal na kaming magkilala but on ml at cod lang, ni wala nga kaming conversation doon. We just knew each other because always ko siya ka-duo.
Tinignan ko siya ng mabuti. Ang gwapo niya din ano. Nakita ko siyang napatigil sa pagsasalita at ngumisi saakin.
Tinaasan ko naman siya ng kilay
"Bakit ka nakatingin?" tanong niya at ngumiti ng nakakaloko.
Excuse me ha, kung naiimagine niyang gusto ko siya kaya ko siya tinitigan.. hindi no. May mas gwapo pa akong kilala kesa sa kaniya. Ganyan lang talaga ako sa lahat ng kumakausap sa akin, parang hindi ko kasi nagegets kapag hindi ko sila tignan.
"Wala, tatanong ko lang kung paano mo'ko narecognize." Bored na sagot ko.
"Need ba talagang tumingin saakin ng 1.5 seconds?" Tumawa pa ang ugok.
Napaka feeling close, kakakita palang namin ang ingay na niya sakin.
"Pake mo ba?" nasagot ko nalang. Wala akong gana makipag debate sa kaniya, sa tingin ko kasi kapag bumanat ako manghihina yan. Kaya wag na kung hindi naman niya kaya makisabay sakin.
Tumango tango siya at ngumiti. Tumunog na ang bell, tanda na tapos na ang recess. Tumayo naman siya at bumalik sa upuan niya. Hindi lang man niya sinagot ang tanong ko!
Nagsibalikan na ang mga estudyante sa upuan nila. Napansin ko rin na mukhang nag mature na nga sila dahil hindi na sila gaano kaingay gaya ng dati. May pagbabago naman pala dito.
Pagkapasok ng teacher ay nagsitahimik na sila, inanouce lang ang mga rules and regulations tapos tomorrow daw mag sa-start ang iba pang activities. May nabanggit din sila na pupunta kaming lahat na imbetado sa ibang school para magcompete and have some fun daw.
Wala namang nakakatuwa dito e, ang boring.
Ayon lang naman daw at lumipas ang ilang oras at lunch na. Hindi naman daw kailangan na pumunta pa dito sa school mamayang hapon, maghanda daw para bukas. Masaya naman ako at makakagpahinga ako saglit, nakakapagod kaya. Ipapahinga ko nalang lahat ng pagod ko.
Pagkarating ko sa bahay ay as usaul uupo muna saglit sa sofa at aakyat sa kwarto. Magluluto pa ako ng lunch ko. Nagpaplano pa ako anong gagawin ko pagkatapos mag lunch. Naisipan ko naman na mag practice nalang muna ulit ng piano, dahil matagal na ng huling tumugtog ako non. Sa pagkakatanda ko ang huling tugtog ko at nandito pa sila Mama.
Maya maya pa ay dumating naman sila Clyne sa bahay. Kasama niya si Ion, hindi naman basta bastang nawawala ang epal nayan. Palaging kasama yan sa lahat ng lakad namin, always present talaga siya.
"Kamusta kana, ayos kalang ba? Okay kalang? Dàijubo?" Nakangiting sambit ni Ion. Mukhang good mood siya ngayon ah.
"Ayos lang naman." Sagot ko at humilig sa sofa. "Tinatamad nga akong tumuloy bukas." Dagdag ko pa.
"Anong dahilan?" tanong ni Clyne.
"Basta tinatamad ako." Ayon naman ang sambit ko, totoo naman na tinatamad ako napaka boring gusto ko nalang igugol ang oras ko sa pag review sa paparating na competition ko sa debate, o 'di kaya mag-training nalang, o pumunta nalang sa music class ko.
YOU ARE READING
Admiring You From Afar
RomanceThey said It's good when you have a gay best friend but what would you do if you fall for him ever since you two were young? This is the story of a girl and a boy who had been always together or in other word they were best friends but the girl need...