"Aray!" napangiwi ako dahil natamaan ako ng bola sa mukha. Sapol talaga sa ilong ko! Ang lakas no'n ah! Mukhang sinadya talaga!
Agad akong naupo at menasahe ang sintido ko. Shet, nahihilo ako. Nakaramdam naman ako ng init sa ilong ko. Ayan na, ayan na naman, dudugo na naman. Pagkapikit ko ng mata ko ay sabay namang umagos ang dugo sa ilong ko.
Mabilis ko namang ginamot kahit masakit talaga. Mabuti nalang talaga at nadala ko ang mga gamot ko!
"Leigh, pahinga ka muna," saad ng coach at tumango naman ako.
Lagot ako neto kay Mama! Papagalitan ako no'n panigurado. Nakakainis kasi eh, ramdam ko eh. Sinadya talagang lakasan at sakin pa talaga pinatama.
Mama:
Ling, anak mauuna nalang kami ha. Susunduin ka sana namin kaso traffic na.
Mama:
Commute ka nalang if gusto mo, pero kung ayaw mo ay mag-text ka, ha.
Nakahinga naman ako ng maluwag. Okay, magse-self medication muna tayo bago harapin sila Mama. Thank you talaga Lord! Arigato, Gracias.
Pinahinga ko muna ang nararamdaman ko, at nang mag-ayos na ang pakiramdam ay napagdesisyunan ko nang sumunod kila Mama. Uuwi kami sa probinsiya, sa dating bahay namin noong bata pa 'ko. Naisip kasi nilang mas presko magbakasyon sa probinsiya. Dahil nga ang init. Hindi padin sira ang bahay namin doon, dahil nag-hire kasi si Mama ng mga tagalinis doon. Ngayon ko nga lang makikita ang lumang bahay namin after 5 years.
Mag-cocomute nalang ako, marunong naman ako. Kaso hindi ako pinapayagan nila Mama dati, at ngayon, pinayagan na niya ako!
Napabuntong-hininga ako nang tignan ko ang suot ko. Jacket ng volleyball team namin at naka long pants lang ako. Dumiretso kasi ako sa terminal. Pagod na kasi akong umuwi pa sa bahay, tsaka uuwi lang din naman ako sa isa naming bahay.
Hinalungkat ko naman ang bag ko. May nakita naman akong hoddie sa bag ko kaya sinuot ko naman. Wala akong masyadong dala dahil, hindi nga ako naka-uwi sa bahay.
Habang nag-iintay akong umalis na ang bus ay natulog muna ako saglit. Sleepy head ako kaya madali akong makatulog. Lalo na't pagod ang katawan ko galing training. Kahit kasi may break ay may training padin kami.
Tinago ko ang mukha sa bag ko, kahit naka hood naman ako. Sisiguraduhin ko namang magigising naman kaagad ako. Sino sino kaya mga tao dito sa loob ng bus, hindi ko kakilala.
Habang nakapikit ang mata ko ay ramdam kong may tumabi sa 'kin. Inignora ko naman, masakit ang ulo at mahapdi naman ang ilong ko. Wala akong panahong makialam sa ibang tao.
Ewan ko nalang at anong nangyari dahil dumudugo na naman ang ilong ko. Minulat ko agad ang mga pata ko, at dali dali naman akong kumuha ng panyo ko. Napapikit naman ako ulit dahil sa hapdi. Mabuti naman at hindi masyadong maraming dugo!
Ipinikit ko ulit ang mga mata. At nakatulog naman ako, kaya hindi ko ramdam ang sakit.
Nagising nalang ako dahil narinig kong nag-ring ang phone ko. Agad ko namang kinuha at tinignan. Malabo pa ang mata ko, at kinusot ko naman. Nanlaki naman ng kaunti ang mata ko. Tumatawag si Vincent. Sinagot ko naman kaagad!
"Ano?" Iyon ang bungad ko.
Napalingon naman ako sa katabi kong may hawak na phone dahil narinig ko ang boses ko. Akala ko nag-echo ang boses ko, 'yun pala katabi ko lang siya! Magugulat ka nga talaga sa lalaking 'to!
"Ayan, gising na," inalis niya ang hood sa ulo ko ag ginulo ang buhok ko.
"Kanina ka pa?" tanong ko naman.

YOU ARE READING
Admiring You From Afar
RomanceThey said It's good when you have a gay best friend but what would you do if you fall for him ever since you two were young? This is the story of a girl and a boy who had been always together or in other word they were best friends but the girl need...