17

31 1 0
                                    

"Leigh, gumising kana."

Inalog-alog ni Rhyme ang balikat ko. Kanina pa kaya ako gising, hindi nga ako makatulog sa ingay nila. Nasa SUV kami ngayon ng coach namin, dahil tapos na ang game namin. At syempre naman nanalo kami, kaya libre na ni coach ang dinner.

Dahil nga season ng UAAP ay talagang training ang inaatupag naming lahat, kapagod nga e, pero kinakailangan manalo ulit kami. Ang bilis nga ng panahon, parang kahapon lang senior high palang ako, ngayon first year college na sa DLSU.

Nakapikit parin ang mata ko, inaalala ko lahat ng araw na hindi ako masyadong pagod. Vacation break nalang talaga ang hinihintay ko para makapahinga na. Sana naman pag-uwi namin sa probinsiya ay tuluyan na akong makapahinga. Na-miss ko na ang pumuntang Boracay. Nag-iimagine nalang akong lumalangoy na ako sa tubig.

"Buhay ka pa ba?"

Minulat ko na ang mga mata ko. Ingay talaga. Tinignan ko si Rhyme. Napaka-ingay niya rin eh ano. Akala ko makakapahinga na ang tenga ko sa kadaldalan nila Pathyma, hindi pa pala.

Kung may pito akong kaibigan sa probinsiya, actually sampu. Kasama na sila Pathyma, at ang mahal kong Melle. Dito naman sa Manila may tatlo rin akong kaibigan dito. Ayaw talaga ni Lord isa lang kaibigan ko eh.

I have Keithleen, Fherin, and Rhyme with me. Nakilala ko sila dahil sa magkaklase kami since senior high, hanggang ngayong college ay magka-blockmates kaming apat. Close kaming apat pero si Rhyme ang mas malapit sa 'kin. Rhyme and I got closer to each other noong magka-roommate kami sa hotel, vacation kasi 'yon para saming mga players. Dahil nga sa kadaldalan din ng isang 'to ay naging close kami sa isa't-isa.

"Ay hindi, patay na." inirapan niya ako at tinawanan. Bruha talaga.

"Gaga, malapit na tayo oh," tinuro niya pa ang picture sa phone niya. Restaurant 'yon na pina-reserve ni coach.

"Gutom kalang eh," puna ko sa kaniya.

Tinawanan niya ako. Bruha nga talaga. Napapangiti naman ako sa tuwing naaalala ko si Pathyma at Ion sa kakulitan nitong si Rhyme. Hindi na ako makapaghintay na makasama ulit sila. Tagal na rin kasi.

Sabi ko babalik ako doon, pero tatlong taon na ang lumipas. Nakaka-usap ko parin naman ang mga kaibigan ko. Sa loob nga ng tatlong taon ko dito sa Manila parang wala lang man nagbago. Ganon parin naman.

Ang bilis no? Tatlong taon na, pero kahit matagal tagal na ay hindi ko parin siya mawala sa isip ko. Ni hindi ko na nga ulit alam kung saan na siya ngayon. Nalaman ko kasing wala nang tumitira sa bahay nila sa probinsiya. Nag-alala ako sa kalagayan nila. Hindi naman ako nagalit, actually sino ba naman ako para magalit sa kaniya? Wala naman kaming label, sadyang assumera na ako. Pero kahit ganon naiisip ko nga parin siya.

Saan na kaya sila ngayon?

"Congratulations sa atin!" napabalik lang ako sa katinuan nang marinig ko sila.

"Road to championship na tayo, malapit na," ani ni coach.

Tinignan ko silang lahat, masaya sila. Nakakatuwang tignan ang mga ngiti sa labi nila. Sana ganon din ako.

"Kapag manalo kayo, ililibre ko kayo ng dinner with desserts," sambit ni coach.

Nagkantyawan naman sila, napangiti nalang si coach sa kanila. Diet kasi eh, kaya umiiwas talaga sa matatamis.

"Paano kapag natalo kami coach?" si Keithleen.

Napangiti si coach at tinignan kami isa-isa.

"Libre ko parin kayo," napa awe naman kami. "With dessert," dugtong ni coach kaya mas natuwa kami.

Admiring You From AfarWhere stories live. Discover now