Sayang! Sayang talaga! What if nakita niya ako?! Edi magkakaroon kami ng pag-uusap, tapos magkakaroon na ng communication sa isa't-isa. Oh edi sana may convo na kami ngayon! Ngayon sana nag-uusap na kami through chat! Nakakagigil! Ba't ba kasi hindi niya ako tinignan!
Napahiga nalang ako sa sofa habang sinusulat sa diary ko ang nangyari. Argh, sayang! Hindi talaga ako makaget-over doon!
"Ba't naging crush ko pa kasi 'yon?" Sulat ko sa diary ko. "May pa-promise promise pa siyang nalalaman, eh siya naman ang 'di tumupad!"
Nang maalala ulit siya ay natahimik ako bigla. Bakit mas ang pogi na niya? Hindi ko man nakita ang mukha niya clearly, pero ang pogi niya! At ang bangonpa! Paano'ng nagkakaroon ng bading na pogi?! Bakit pa siya naging bading kung ang pogi niya?
"Hindi ko na alam.." sagot ko din sa sarili ko
At ang shuta. Bakit pati ba naman spotify alam ang pinagdadaanan ko?! Bigla nalang tumugtog ang "Promise by: Laufey" napasabunot naman ako sa buhok ko sa sobrang panghihinayang. Okay lang talaga sa'kin, pero ang puso ko! Hindi na matigil tumibok ng mabilis. Hinawakan ko nalang ang dibdib ko para pakalmahin ang puso ko. Pinikit ang mata at dinama ang kanta.
"How we didn't say goodbye, just see you very soon." pagsabay ko sa kanta
Hinanda ko naman ang sarili sa chorus.
"It's hurt to be something, it's worst to be nothing with you..."
Nagulat ako ng pagkurap ko ay may tumulong luha sa mata ko. Shet naman, gano'n na ba ako kalala sa kaniya? Ba't ang lakas ng epekto niya sa'kin? Samantalang siya mukhang walang pakialam sa'kin? Na lovesick naba ako? Hindi ko na mapigilang maluha. Hindi naman sa todo iyak sa bading na 'yon, naiyak lang ako sa mga naisip ko. At isa pa how dare him na hindi ako tignan!
"Right, 'di dapat ako umiyak dahil sa kaniya." I chanted myself
"Bading lang 'yon, iiyakan ko'pa?" "Ano siya diamond?"
But I found myselft typing a message for him, handa nang i-send. Hindi na nagdalawang-isip pa at pinindot and send. Napapikit naman ako ng mariin, bahala na. Nakapikit padin ang mga mata ko habang nakasalpak ang earphones sa tenga ko, nakikinig sa kanta. Pinunasan ang luha sa pisnge ko. Bading lang siya Leigh. Hindi siya lalaki, pusong babae siya.
"Ginagawa mo, hoy."
Parang nabuhusan ako ng malamig na tubig nang marinig ko si Clyne. Agad naman ako'ng napabangon sa sofa, nandilim naman ang mata ko at bigla nama'ng sumakit ang ulo ko. Vege naman! Umakyat pa 'ata ang dugo sa ulo ko!
"Umiyak ka ba?" Tanong niya at ngumisi.
Hindi ako sumagot sa kaniya. Narinig ba niya? Bakit hindi ko siya narinig? 'Di ko narinig ang pagbukas ng main door! At nang makapa ko ang tenga ko ay, nga pala. Nakasuot pala ako netong shetable na earphone.
"Sino iniyakan mo?" Ngumingisi na siya ngayon sakin! Nakakainis talaga.
"Wala." Tanggi ko.
"Nakakaiyak 'yong kanta. Promise, pakinggan mo'pa." Pinakita ko'pa ang phone ko sa kaniya.
"A song about a guy?" "Still may iniyakan ka ngang lalaki?" tumango-tango pa siya sa sarili
"Doon din naman patungo kaya sige na... Aminin mo'na." Ngumisi siya ng malawak, nakakaasar! Nakakainis! Nakakagigil!
"Sus, narinig ko na eh tatanggi ka padin." Nakangisi siya nagaasar! "'Saka hindi ko naman sasabihin sa iba, promise." Dugtong pa niya. Nag pinky promise pa siya kaya mas lalo ako'ng nainis.
Huminga muna ako ng malalim, nag-iisip kung ano ang susunod na gagawin.
"Promise nga, wala ka ba'ng tiwala sa'ki-" natigil siya bigla nang sumigaw ako

YOU ARE READING
Admiring You From Afar
RomanceThey said It's good when you have a gay best friend but what would you do if you fall for him ever since you two were young? This is the story of a girl and a boy who had been always together or in other word they were best friends but the girl need...