Hindi parin ako makapaniwala na ang lalaking matagal ko nang hinihintay ay ngayon nasa harapan ko na. Tumatawa dahil ngayon lang daw niya akong makita na gulat. Nakangiti ko siyang pinagmasdan habang nagse-selfie sa phone ko. Wala akong ibang ginawa kundi tignan siya, maraming nagbago sa mukha niya. Lumalaki na nga talaga kami.
"Lapit ka dito, dali," hinila niya ako palapit sa kaniya.
"Why?" tanong ko, nakatingin padin sa kaniya.
"Picture tayo. First picture natin to after 5 years." Saad pa nito at itinutok ang camera saming dalawa. Madami ang kinuha niyang litrato namin. Isa na don ang nakatingin ako sa kaniya, samantalang siya nakangiti sa camera.
"May tanong ako sayo," nilingon niya ako at tinignan sa mata, mukhang seryoso ang itatanong niya kaya tinignan ko naman siya pabalik.
"Mhm?" sagot ko at hinintay ang sasabihin niya.
Ngumisi siya saglit. "Bakit gumaganda ka lalo?" sambit nito, kitang-kita ko kung paano siya nagpipigil ng ngiti.
"Any tips para ma-achieve ang ganyang glow?" dagdag pa nito. Kikiligin na sana ako dahil gumaganda daw ako, yun pala gusto ding mag-glow up!
"Wala," simpleng sagot ko nalang dahil napasimangot na ako. Kainis kang bading ka!
"Damot," inirapan pa niya ako.
"Natural lang 'tong ganda ko," saad ko naman ulit, nang humarap na siya ay nakabusangot ang mukha niya.
"Tips nalang pano pansinin ni crush," nanumbalik ang mga ngiti niya sa labi. May crush siya?! Babae ba o lalaki? Ba't anlakas naman ng epekto niya sa kaniya? Ako nga pahirapan pa bago ko siya mapangiti, tapos mabanggit lang ang crush ngingiti?!
"Lalaki or babae?" tanong ko, naninigirado. Okay lang sakin kapag lalaki ang gusto niya dahil walang sino mang babae ang makakapagpasaya sa kaniya! Pero kapag babae, eh kawawa naman ang puso k-
"Babae siya,"
Parang nag-echo ang sinabi niya sa tenga ko. Babae daw! Babae! Kauri ko! Ano? Mas maganda ba kaysa sakin? Mas matalino ba kaysa sakin? Iniwaksi ko nalang 'yon sa isipan ko. Kaharap ko siya ngayon kaya pilit akong ngumiti. Bawal maging sad girl Leigh, birthday mo, birthday din niya.
"Lalaki kana pala?" sinabayan ko ng tawa para hindi niya mahalata na nag-iba ang expression ko.
"Ewan ko sayo Lia," inirapan niya ulit ako, na mukhang may nagawa akong masama sa kaniya. Napatigil naman ako ng marinig kong tawagin niya akong Lia. Siya ang nagbigay sakin ng palayaw na'yan. Ngayon ko lang ulit narinig na banggitin niya.
"Bakit 'di ka pinapansin?" tanong ko nalang at nilingon naman niya ako. "Sa mukha mong 'yan 'di ka papansinin?" tumawa ako kahit nakaramdam ako ng kirot.
"I'm good, tanggap ko naman na hanggang kaibigan lang ang turing niya sakin." Malungkot siyang ngumiti sakin.
So.. tama nga ako! May naging kaibigan siya, na nagustuhan niya. Ang daya niya! Napakadaya, ako tinupad ko ang sinabi niyang siya padin ang best friend ko kahit lumipas man ang ilang taon, ended up na wala pa ngang friends eh. Tapos siya okay lang na may best friend na iba?! Kung 'di ko lang pinananghawakan 'yong sinabi niya, sinasabi ko talaga! But now I have my girls now. Masaya akong nakilala ko sila, isa 'yon sa pinakamasayang desisyon na ginawa ko sa buhay ko. And now, haha nakakatampo. Nanatili padin akong nakangiti sa kaniya. Today is a happy day.
"I think may nalimutan ka," saad nito at ngumiti. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Ano 'yon?"
"Nevermind," sambit niya at natawa pa. Umiiling-iling

YOU ARE READING
Admiring You From Afar
RomanceThey said It's good when you have a gay best friend but what would you do if you fall for him ever since you two were young? This is the story of a girl and a boy who had been always together or in other word they were best friends but the girl need...