26

5 0 0
                                    

"Stop it! Sayang 'yong harina! Ano ba naman 'yan."

He's coughing a bit dahil sa lumilipad na particles ng harina. We're going to bake! Pinaypayan pa niya ang paligid para mawala ang harina sa paligid. I just laughed at his face and started to run away.

Nasa condo naman niya kami ngayon. Nagsasaw na ako na palagi nalang sa condo ko, tutal may nga gamit siya at extra ingredients dito. Hindi kasi kami nakabili ng ingredients!

"Lia, naman. Come back here, I'm going to sift the flour!" sigaw niya dahil tumakbo ako palayo sa kaniya.

I was laughing at his face dahil parang ginawa niyang pulbo ang harina. He still looked cute though. Nakapameybang siya at suot ang kulay maroon na apron. Hinayaan niya lang ako at 'di man lang hinabol.

"Sige lang, makikita mo talaga ang gusto mo." he said and pout. Bahala siya diyan, I was having fun. Ayaw ba niyang masaya ako?

"Ano ba'ng gusto ko?" tanong ko rin pabalik.

Nanatili lang siya doon at sumandal sa counter. Hindi niya ako pinansin at nagsimula nang kumuha ng tag-iisang bowl. Napasimangot tuloy ako. Tumigil na tuloy ako katatakbo at dahan-dahang naglakad palapit sa kaniya.

"Pangit mo kalaro." sabi ko.

"Bakit? You wanted to play a game? We're going to bake kaya." saad niya. Lumapit nalang ako palapit sa kaniya. Nakasimangot pa rin.

"Pero sabi mo eh,"

Nagulat ako nang bigla niya akong buhatin at inupo sa countertop. Okay, I like this game. Pinalupot ko ang braso sa leeg niya. He just staring at me. "Alisin mo 'yong dumi sa mukha ko." sabi niya.

Meron ngang harina sa pisngi niya. I wipe it gently for him, hinawakan niya naman ang kamay kong nasa pisngi niya.

"What do you want us to play?" tanong niya habang ang kamay niya sa bewang ko ay humihigpit.

I smirk. "Anything thrilling, love." I shot back. Tinawanan niya lang ako, he then kissed my cheeks.

"Okay my Americium and Argon. Let's go bake." sambit niya at pinalupot ang kamay sa bewang ko para maibaba ako. Binigay ko nalang sa kaniya ang harina at tumahimik nalang sa upuan.

Pinagmamasdan ko siyang hinahalo ang mixture. Cookies lang naman ang gagawin namin, madali lang. He can handle it very well, kaya naman niya 'yan. I just sat there and watch how he bake. Panay lang ako tanong sa kaniya kung anong ginamit niya at paano naging gano'n. He's answering it all naman.

"I thought we are going to bake?" tanong niya at diniin ang 'we'. "Eh ako lang mag-isa ang nag-bake." saad pa niya.

I smiled. "Oo nga, 'we'. I'm here with you while you bake." I smiled sweetly and we both laugh.

Umiling-iling lang siya. "Mamaya pa naman 'yan maluluto. Let's go play muna." he teased me. Agad naman akong tumayo sa kinauupuan ko at tumakbo palayo sa kaniya.

"If we hear the oven sounds click. It means, luto na ang cookies. Also... Our game will end, okay?" saad niya at naglakad palapit sa akin, nakangisi.

Umikot ako sa living room habang siya sinusundan lang ako. Ano ba 'yan, 'di man lang siya tumatakbo. "You call this playing eh ako lang naman ang tumatakbo? Ang daya!" sigaw ko.

He stopped to say something. "Baka kasi mahuli kaagad kita." he said and smiled. "Bawal lumagpas at lumabas ng condo!" dagdag pa niya.

"That's a given!" sigaw ko pabalik. Hindi muna ako tumakbo-takbo, madali lang akong hingalin at nagsisimula nang manghina na ang binti ko. Sagabal talaga ang sakit kong 'to eh.

Admiring You From AfarWhere stories live. Discover now