Noong umuwi nga si ate Cian ay may dala nga siyang pizza. Kaya agad naman akong kumain dahil nagugutom na din naman ako.
Habang kumakain ay kinuwento niya sa akin kong gaano daw ako kahalaga sa buhay niya.
Tumango tango ako at ngumiti. "Talaga?" Biro ko dahil wala na akong masabi.
Napalingon naman siya sa akin.
"Eh mahal na mahal kaya kita. Magwawala talaga ako kapag umalis ka."
Nakangusong saad niya. Ngumiti nalang ako at pinagpatuloy ang pagkain. Mahal na mahal ko din si ate. Siya yung taong ayaw ko nang mawala pa sa buhay ko.
Kaya nang makatapos kumain ay umakyat na ako para gawin ang night routine ko at siyemre kasama si ate. Noong matapos ay binagsak ko ang sarili ko sa kama. Napaisip ulit ako dahil isang araw nalang ay recognition ceremony na namin.
Gigising ako bukas tapos pag matulog ako pagkagising ko moving up na. Naisip ko lang. Hinayaan ko nalang na mawala sa isip ko yun at hindi nagtagal ay dinalaw na din ako ng antok.
Mabuti nalang at walang practice bukas. Wala naman talaga dahil bukas na kami magmomoving up! Ang bilis naman.
Pagkagising ko ay umalis na si ate pero may iniwan siyang sticky note.
- Cian
Good morning beautiful alis na si ate
punta work, kumain ka nalang nakahanda
na yung pagkain sa baba. Iloveyouuu.....Bumangon naman agad ako dahil anong oras na pala. Ayaw kong bumalik ang ulcer ko kaya bumaba na ako para kumain.
May nakahanda ngang pagkain kaya kumain agad ako. Minsan talaga hinihiling ko sa Panginoon na sana ate ko nalang si Cian. Pero hindi eh. Hindi ko nga siya ate pero carrying naman siyang pinsan.
Kinain ko nalang ang nakahandang pagkain sa mesa. Masarap naman kaya naparami ako ng kain. Habang kumakain ay naisip ko bigla si mama at papa. Iniisip ko kong okay lang ba sila? Namimiss din ba nila ako? Ano kayang ginagawa nila ngayon?
Hindi ko na sila nakausap pa. Masasaktan lang ako
Ngumiti ako ng mapait. Malulungkot lang ako kapag iniisip ko sila eh. Parang gusto ko ulit umiyak nang maalala lahat ng sinabi ni mama. Nagpatuloy nalang ako sa pagkain at nang matapos ay nag toothbrush ako at kinuha ang gitara ko.
Nalulungkot kasi ako. Everytime na mabobored, nalulungkot ako ay magpapatugtug lang ako ng gitara or piano ay nawawala naman lungkot ko sa panandalian.
First is piano is my music. Piano was the first instrument that I learned. Dahil nga my Papa was a Pianist noon. I really love how Papa play piano for Mama. They were so inlove with each other. That's the reason why I love playing Piano, nakikita ko'ng masaya sila and it's enough to make my heart melt. I love how I touch the keys gently and it makes a lovable sounds. I'm in love with it. Not until Mama and Papa leave. Iniwan nila ako, mas inalala nila ang trabaho nila kaysa sa'kin.
Yeah, naiintindihan ko naman na ginagawa nila ang lahat para sa'kin, for my future. Pero to the point na hindi na nila ako inuuwian, almost 3 years na hindi ko sila nakita. I was elementary when they left!
Napabuntong-hininga ako sa naisip. Everytime na I play Piano nasasaktan ako. But still.. i love Piano.
"Right now I'm holding a guitar, hindi piano. Stop overthinking." I reminded myself.
Itinuon ko na lang ang buong atensiyon sa gitarang hawak-hawak ko. Hanggang ngayon nag aral din ako ng kaunting intro at naisipan na lagyan ng tono ang kantang sinulat ko.
As I finish naupo muna ako saglit at humingang malalim. Last day ko'na sa school nayon bukas. Finally!
Binalik ko na ang gitara ko sa music room para hindi makalat tignan ang living room. Sa susunod na araw piano naman. Ako lang mag isa sa bahay at nagugutom na din ako kaya naisipan kong magluto nalang. Tutal malapit nalang din ay tanghalian na.

YOU ARE READING
Admiring You From Afar
RomanceThey said It's good when you have a gay best friend but what would you do if you fall for him ever since you two were young? This is the story of a girl and a boy who had been always together or in other word they were best friends but the girl need...