Hanep! Ganito pala maging masaya? As in masaya ka, walang halong biro. Gigising kang masaya, kakain kang masaya, maliligo kang masaya, matutulog kang masaya. Masaya lahat! Ganda pala talaga ng buhay. 'Di ko alam kasi ngayon ko lang ulit naramdaman.
Dalawang araw na ang lumipas simula noong sinabi ni Vincent na.. gusto niya din ako! Sino ba naman ang 'di sasaya niyan? Alangan naman magalit ka? 'Diba? Sarap talaga mabuhay.
Noong una ay nahihiya pa 'kong makipag-usap sa kaniya. Dahil nga mag-best friend forever kami. Pero, masaya naman pala maging more than friends
More than friends?! Wala pa palang kami!
Okay na 'yon, at least 'diba gusto niyo isa't-isa. Tsaka na labelan kapag totoo mo nang mahal ang tao. Nakakakaba din dahil mari-risk niyo ang friendship niyo kung sakaling maghihiwalay. Don't worry, 'di naman kasali sa buhay ko ang maghiwalay kami. Nang landas kasi 'yon, wala pang kami!
Kung may magtanong man kung ano kami. Edi sagutin natin. "Tao po," charot. "Gusto namin ang isa't-isa." 'yon ang label namin ngayon. We just like each other. If mag-turn siya into love, why not 'diba? Mas better pa 'yon.
Napangisi naman ako sa naiisip ko.
"Anong iniisip mo?" tanong ng katabi ko.
Nandito kami ngayon sa bahay nila, to be exact sa kwarto niya. Wala sila lola Felice at kuya Augustine, dahil may pinuntahan daw. Kaya kami ang naiwan dito sa bahay nila. Naka-uwi naman pala ang mga kaklase niya, totoo naman talagang gumawa sila nang project.
"Tayo," tanging sabi ko.
Napangiti naman siya habang nag-aayos ng gitara niya. "Walang tayo,"
"Okay," bulong ko.
Nakita niyang ngumuso ako kaya lumapit siya sa 'kin.
"Kantahan kita?" ngumisi siya, nanunuyo.
Bumangon na nga lang ako at nagpatuloy na sa paghalungkat ng nga gamit niya, maglilinis daw siya sa kwarto niya. Tinulungan ko naman. Napahawak ako sa ilong ko dahil gusto nang bumahing. Ang kati sa ilong ng alikabok! Panay tuloy ako bahing.
Pinagpagan ko ang damit ko at naupo saglit, bumabahing padin. Pero nahagip ng mata ko ang isang makapal na libro. As a mambabasa, interesado kong kinuha 'yon kahit puno nang alikabok. May nakita akong basahan doon kaya 'yon ang ginamit kong panlinis.
Nang mabuklat ko na ay nagulat ako. Hindi pala libro, diary pala! Diary ni bebe ko. Sumusulat din pala talaga siya ah, same kami ng hobby pag ganon. Ayaw ko namang basahin dahil nirerespeto ko ang privacy niya.
Pero, pero, pero. Itong kamay ko hindi na mapigilang basahin ang nakatupi, isang page lang ang nakatupi kaya hindi naman ako masyadong nanghihimasok sa buhay niya. But still, secret niya 'to, nagu-guilty tuloy ako!
Na-curious talaga ako kaya binasa ko, isa lang naman eh. Hindi naman ako chismosa. Nang mabasa ko ang first phrase ay napakunot naman ang noo ko.
"Diary, what should I do? She likes someone. Is this a sign that I should look for another?" pagbasa ko. Pabulong lang 'yon baka marinig niya.
"She's the first girl who made my heart race, I'll never forget her," pagbasa ko ulit.
This isn't just a like, love na 'to. Mahal na niya ang babae! Sino kaya 'yon? Okay naman sa 'kin na hindi ako ang nauna. I feel bad about reading his diary. Hindi ako nagseselos, o ano. Guilty lang talaga ako.
"Lia, here's the alcohol-" nagulat siya nang makitang hawak ko ang diary niya.
Tinatago niya pala talaga huh, sabagay, kapag basahin din ng iba ang diary ko. Hindi lang ako magugulat, magwawala talaga ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/341554304-288-k829786.jpg)
YOU ARE READING
Admiring You From Afar
RomanceThey said It's good when you have a gay best friend but what would you do if you fall for him ever since you two were young? This is the story of a girl and a boy who had been always together or in other word they were best friends but the girl need...