"Bawal 'yan sa 'yo," saway sa akin nila Clyne.
Napapabuntong-hininga nalang ako. Lahat nalang bawal tapos madami pang mga gamot ang kailangan kong inumin. Ang papangit pa ng lasa! Magdadalawang buwan na akong nagtitiis sa sakit ko. Heto parin naman ako, lumalaban.
Pero naging maayos naman ako, hindi ako masyadong napanghihinaan ng loob dahil nariyan sila Mama at Papa na nag-aalaga sa 'kin. Halos hindi na nga ako makalabas ng bahay nang magkasakit ulit ako. Talagang hands on sila sa 'kin.
Hindi rin naman nagkulang sa pag-remind sa aking inumin ang mga gamot ko si Vincente. Totoo nga talagang kapag naiisip mo siya ay nawawala lahat ng bigat na nararamdaman mo. Na magiging okay ang lahat dahil nandiyan siya para sa 'yo. Kayang kaya mong labanan ang sakit dahil siya ang nagbibigay ng lakas sa 'yo.
Napapangiti ako kapag matanggap ko ang mga messages niya. Kaya ito namang si Clyne ay todo asar sa 'kin. Lalo na't napansin niyang may suot akong singsing. Hindi ko pa nakwento sa kaniya lahat dahil nasugod na naman nga ako sa hospital!
"Ilang months nalang at aalis kana papuntang Manila, sana naman 'di kana magkasakit." Tumayo si Kim at tumabi sa akin.
Sasama na kasi ako kila Mama para hindi na ako mawalay pa sa kanila. Kung dati siguro ay masisiyahan ako dahil makakasama ko na sila, ngayon naman ay may kaunting pag-alinlangan akong nararamdaman.
"Ano ba kayo, normal na ang blood sugar ko. Diabetic lang ako," sambit ko para pagaanin ang loob nila.
"Sabi mo eh," sabi ni Ion at natawa.
Lumipas naman ang ilang linggo at malapit na ang Completion namin. Practice na naman ang inaatupag namin ngayon. Ako ang maghahanda ng speech kaya no'ng nagkaaakit ako ay ginugol ko ang oras sa pagsulat
Worth it naman ang pagod. With highest honor padin naman ako. Ang kailanagan ko lang ngayon ay pahinga.
Amar:
Nood ka basketball may laro kami.
Nagulat naman ako sa text ni Vincent. Pinalitan ko ang name niya sa contact ko, kaya everytime na nagti-text siya ay natatawa ako.
Me:
Mananalo ba?
Nakangisi ako habang hinihintay ang text niya.
Amar:
Talaga
Amar:
Pasama ka kay Melle
Nagtipa naman ako.
Me:
Ge, goodluck nalang
Amar:
👍
Natawa ako sa reply niya. Na-imagine ko tuloy na nakasimangot siya ngayon. Hindi naman ako makakatanggi sa kaniya kaya, go. May need din kasi akong puntahan, pupunta lang ako sa training para manood pero suot ko ang jersey at pants ng volleyball team namin. Namiss ko lang maglaro, pwede padin naman akong maglaro. Sadyang kailanagn ko lang magpahinga sabi ng doktor ko.
Pinayagan ako nila Mama na lumabas para daw makalanggahp naman ako ng fresh air. Kahit polluted naman. Nagpahatid ako kay Papa sa training center, pagkapasok ko naman ay nagulat naman sila.
Malakas na ulit ang pangangatawan ko kaya sumali ako sa warm up. Hindi naman ako hinayaan ni coach na mapagod. Pinapagalitan niya nga ako dahil daw baka mabinat ako. Eh magaling na 'ko oh.
'Di naman ako nagtagal doon at napagdesisyunan nang pumunta sa laro ni Vincent. Panay kasi siya text at tawag kung nasaan na raw ako. Sakto naman si Melle at sumabay ako sa kaniya. Nagpahatid kami sa driver nila. Shala din itong si Melle, hatid sundo ng driver.
![](https://img.wattpad.com/cover/341554304-288-k829786.jpg)
YOU ARE READING
Admiring You From Afar
RomanceThey said It's good when you have a gay best friend but what would you do if you fall for him ever since you two were young? This is the story of a girl and a boy who had been always together or in other word they were best friends but the girl need...