18

24 1 0
                                    

"Papayag ka bang kumain ng gulay araw araw kung magiging asawa mo si Leigh?"

Hindi ko nga alam kung maiinis o matatawa pa ba ako. Nagkantyawan pa sila sa table at tinatawanan ang isa sa mga player nila. Mga baliw! Asawa niyo mukha niyo!

"Willing ka bang maging vegetarian para sa kaniya?" si Clyne na kanina pa tawa ng tawa.

"Oo naman, 'yan lang pala e."

Lumakas ang tawanan nila. Tinutulak tulak pa nila ang lalaki. Gwapo naman siya, matangkad na maputi rin. Sinasakyan ko lang naman ang trip nila. Ewan ko rin kila Clyne at ako ang nakita nilang asarin.

"Leigh, ano bang type mo sa lalaki?" napaangat naman ang tingin ko sa kaniya. Uso pa bang tanungin 'yon?

Napatingin sila sa 'kin, nag-iintay sa isasagot ko. "Hindi lalaki type ko e."

Mas lumakas ang tawanan nila, mas lalong lalo na si Clyne. Inirapan ko nalang sila, saya lang nila. Hindi naman sila lasing pero parang sobra pa sa mga lasing ang ingay nila! Pinagtitinginan tuloy kami ng ibang mga costumers.

Kinain ko nalang ang pwedeng makain sa plato ko. Nililibang ko nalang ang sarili ko para hindi antukin. Tahimik lang ako ulit sa tabi, pinaglalaruan ang pagkain. Hanggang tingin lang muna ako sa kinakain nila, pano ba kasi, halos lahat ng in-order ay bawal sa akin! Napabuntong-hininga nalang ako.

Nagulat ako nang maramdamang may sumiko sa 'kin. "Antok ka na?" tanong ni Kian.

Napangiti ako sa kaniya, gagi parang mas gumamwapo siya ah. Napansin ko lang.

"Hindi naman," sagot ko, pinipigilang pumikit. Napatango tango nalang siya. Napatingin ako sa kaniya, tinignan ko siyang maiigi.

May tinitesting lang ako. Titignan ko lang kung mararamdaman ko 'yon ulit. Tinignan ko siya sa mga mata niya, gusto kong maramdaman ang pagbilis ng pagtibok ng puso ko kagaya nang nararamdaman ko kay Vincent. Gusto kong maramdaman 'yong tense kapag magkatinginan kami. 'Yung kuryente kapag dumampi ang balat niya sakin.

Pero wala eh! Hindi ko talaga maramdaman kay Kian lahat ng 'yon. Iniwas ko nalang ang tingin ko kay Kian at napatulala nalang. Napatingin ako sa kamay kong suot parin ang singsing na bigay niya. Oo te, 'di ko parin siya mawala sa isip ko! Dumagdag pa 'yong shetable na panahinip na 'yon! Ewan ko ba, kapag naaalala ko 'yon ay bumibilis ang tibok ng puso ko.

Pinakiramdaman ko ang puso ko. Lihim kong hinawakan ang dibdib ko, pinapakalma dahil nagwawala na naman. Shet, naisip ko lang siya tumatakbo na naman ang puso ko. Kanina lang napakakalmado eh.

"Miss mo 'ko 'no?" natawa ako sa tanong niya.

Pinagmasdan ko muna siya. "Mmm... parang hindi bro," sabay kaming natawa.

Napatingin ako sa phone kong nag-vibrate. May tumatawag. Tinignan ko ang caller ID, si Keithleen pala. Agad ko namang sinagot at tumayo.

"Oh, bakit?" tanong ko sa kaniya.

"Anong bakit?! Nakalimutan mo na?!" parang mabibingi naman ako sa sigaw niya.

"Ang alin?" tanong ko naman, hindi ko alam kung anong pinagsasabi niyang nakalimutan ko. "May picnic date tayo dear, saan ka na ba?"

Nanlaki naman ang mata ko. "Ah! Vege, nasa Aklan ako." sagot ko, hayst! Nakalimutan ko nga.

"Aklan?! Ginagawa mo diyan?" nilayo ko na sa tenga ko ang phone ko. Panay sigaw kasi. Naalala ko bigla si Melle.

"Secret. Resched nalang ang picnic, promise." sabi ko. Hinintay ko siyang sumagot.

"Sure na 'yan? Sasabihin ko nalang kila Fherin!" ngumisi ako, nakalimutan ko eh.

Admiring You From AfarWhere stories live. Discover now