16

30 1 0
                                    

"Anong maganda? Ito, o itong isa?"

Pabalik balik ang tingin ni Clyne sa dalawang dress na hawak ko. Ang una kong hawak ay light purple na plain dress lang, ang isa white dress na off-shoulder.

Bukas na ang gala namin ni Vincent, napagdesisyunan kong mag-dress. Wala lang, gusto ko lang. Alas nuebe na kaya, kaunti nalang ang oras.

"Wow, magd-dress ka? Bago 'yan ah." napairap ako sa sagot niya.

Pinapapili lang eh.

"Princess ka na niyan,"

Hinayaan ko nalang siya. Walang ambag talaga 'to sa buhay ko eh ano.

Nasa kwarto ko kami ngayon, binalik niya kasi ang hiniram niyang libro. Ang sabi babalik lang daw ng libro, pero nakikain pa dito sa bahay!

Tapos ngayon tinatanong ko lang opinyon niya ayaw pa.

"I think mas bagay sakin 'to." ani ko at pinakita sa kaniya ang kulay light purple na dress.

"Kasi kapag white, masyado nang common. Baka sawa na siya sa white." dagdag ko pa.

"Go teh, maganda ka naman,"

Napasimangot ako. Wala talagang ambag 'to sa buhay ko.

"Sige na nga lang." sabi ko at umirap.

"Light purple talaga maganda, ano ka ba naman."

Inirapan ko nalang siya, pinagmasdan ko ang sarili sa salamin. Napangiti naman ako dahil maganda nga talaga ang dress.

"Crush lang ba talaga 'yan?"

Napatingin naman ako sa kaniya.

"Zipper ko nalang ang mouth, baka ma-jinx pa eh." ngumisi ako.

Binato naman niya ako ng unan at tumawa. "Talaga,"

Hindi naman nagtagal ay nagpaalam namang uuwi na si Clyne. Tinanguan ko lang siya. Nang makababa na siya ay agad ko namang sinukat ang dress.

Kanina ko pa gustong sukatin eh, kaso baka pagtawanan ako ni Clyne. Kainis pa naman ang isang 'yon.

I stared at my reflection through the mirror. Umikot pa ako para ma-feel ang dress. I imagine myself laughing and having fun with Vincent. Ano kaya ang magiging reaksiyon niya kapag makita akong nag-dress.

Sasabihan ba niya akong maganda? Or what?

Napangiti nalang ako sa naisip. Sa sobrang ganda kong tignan sa dress na 'yon ay kinuhaan ko ng pictures. Minsan lang ako mag take ng pictures, or selfie. Gusto ko sanang i-send sa kaniya, kaso baka mawala ang excitement niya kapag nakita na niya ang susuotin ko.

So.. hindi ko ise-send. Nakangiti kong tinitignan ang mga pictures ko. I really look inlove right now. Napabuntong-hininga nalanga ako. Sana nga same kami ng nararamdaman. He just liked me, may possibility pang mawala ang feelings niya for me.

Even naman kahit love mo, nawawala rin naman ang love.

Napanguso ako sa naisip. Oo nga 'no. Nagbihis nalang ako ng pajama at kinuha ang phone ko. Kakausapin ko muna siya.

Amar:

How's your evening going?


Napagiti ako sa nabasa. Hindi pa nga ako nakapagtitipa eh.


"Miss mo na ba ako?" parang tangang bulong ko.


Me:

Okay naman po ako

Admiring You From AfarWhere stories live. Discover now