"Dati no'ng grade six pa kami si Patty walang kaibigan, linapitan ko siya at kinausap." Saad ni Ella. Kinikwento kasi nila sa'kin kung papaano nabuo ang friendship nila hanggang ngayon.
"Oh tapos?" Sabi ko para nagpatuloy pa siya.
"Pagkalapit ko ay instanty naging bff na kami, tapos ito namang si Che dumating siya dito nang grade seven na. Kaya ngayong grade eight ay ikaw naman ang bago." Masayang sambit ni Ella.
"Ikaw ba?" Tanong naman ni Che.
"Kawawa naman mga dati mo'ng classmates, iniwan mo." Sambit pa niya.
Sila kawawa? The heck, nakakadiri mga ugali non. Umiling iling ako. "Masaya pa nga sila na umalis ako." Natatawang saad ko, nagpapasalamat nga ako'ng hindi ko na sila maiisip. Kumulo lang dugo ko kapag inisip ko 'yong mga basurang 'yon!
"Eh?"
Natahimik naman sila saglit at hindi na nagtanong tungkol doon. Mabuti naman. Nalaman ko din na single mother ang Mama ni Ella, while si Che walang problema sa pamilya. I don't know but I feel safe being with them. Ang saya nila kasama.
"Starting today apat na tayong magkakaibigan."
Masayang-masaya ako buong araw. I have my own girls na! Hindi na ako tatamaring pumasok sa school neto. I smiled to myself. Great job Leigh! Unti-unti nang nawawala ang anxious na nararamdaman ko. I need a little more push to overcome it. Ang saya ko! Normal man magkaroon ng kaibigan sa school kapag first day, but not in my condition. This is my first time I socialize with other people. Before I barely talk, but ngayon. I've done a great conversation with them!
Kaya noong makauwi ako ay hindi talaga nawala ang ngiti sa labi ko. Nagtanong tanong na nga sila Leim bakit ako nakangiti. Sabi nila baka may crush daw ako. Umiling-iling ako sa kanila at kinuwento ang mga nangyari kanina. Masaya sila para saakin dahil may makakausap na daw ako sa school bukod kay Kian. They were also happy that slowly I can face crowded place.
Tsaka masaya talaga kapag may kaibigan ka sa classroom. Palagi lang excited pupunta sa school dahil makikita mo na ang mga kaibigan mo. I felt nostalgia, ngayon ko lang ulit maramdamang maexcite pumuntang school. All I feel is happiness.
'Yon ang naramdaman ko no'ng magising ulit ako kinaumagahan. Maaga pa akong naghanda at sinulat sa diary ko ang nangyari sakin. Habang sinusulat ko ay napapangiti ako kapag naalala sila. 'Yong tipong kapag malungkot ka maaalis talaga dahil sa napakaingay na Patty. Masayahing Che at nakakatawang si Ella. Mabuti nalang talaga at napagdesisyunan kong lumipat.
Sabi ko nga magiging masaya na ako. Ito na siguro yon. Palagi naman na tumatawag sila mama sa akin kaya hindi naman ako masyadong nangungulila sa kanila. Always nila ako nireremind na inumin ang gamot sa tamang oras. Walang palya!
"Naks naman ang aga pa ah." umupo sa tabi ko si Clyne. Naka ayos na kasi ako kanina pa. Nakaligo na ako at tapos ng kumain.
"Ano yan inspired?" Natatawang saad niya pa bago pa niya guluhin ang buhok ko.
Palagi kasing nandito si Clyne kahit maaga pa dahil sa kaniya ako sasabay papunta sa school. Ewan ko sa lalaking yan kahit hindi pa ako sumabay sa kaniya ay palagi naman yan dito. Si Clyne ang mas extra close ko kesa sa kanilang pito, bukod sa pinsan ko siya, siya din kasi ang sumasama sa'kin dito sa bahay mula noon pa. Kasama niya si Ion palagi, pero hindi ko naman masasabi kay Ion lahat dahil ang chismoso noon! Ang ingay pa!
"Anong inspired? Mukha ba 'tong inspired?" Sabi ko saka umirap. Napairap ulit ako nang tunawa siya.
"Ah talaga ba?" Tumatawang sambit niya.
"Baka expired!"
Napairap naman ako ng marinig ko ang sigaw ni Ion.
"Ano?" Tanong ko at pumunta ng ref para lagyan ng tubig ang tumbler ko.

YOU ARE READING
Admiring You From Afar
RomanceThey said It's good when you have a gay best friend but what would you do if you fall for him ever since you two were young? This is the story of a girl and a boy who had been always together or in other word they were best friends but the girl need...