Natulala akong naupo sa kama ko, nag-iisip. Naguguluhan na ang utak ko, hindi ko alam kung anong unang iisipin ko. Basta ang gulo. Napatingin ako sa kisame at nahiga habang nag-iisip.
Bakit siya ganoon? Noong unang pagkikita namin after niya akong kalimutan ay napaka-cold niya, umaakto siyang hindi niya ako kilala, tapos. Tapos may gana pa siyang itanong kung iniiwasan ko ba siya? Wow naman.
Dahan-dahan akong bumangon para hindi umakyat ang dugo sa ulo ko. Pero kahit ganoon ay nakaramdam parin ako ng hilo. Kanina ko pa 'to tinitiis sa game kanina, pinipigilan ko ring tumulo ang dugo sa ilong. Talaga ngang pagod at stress na nga ako.
Ginamot ko ang ilong ko at nagpahinga, ilang minuto ang lumipas ay may dugo na namang tumulo galing sa ilong. Pumunta nalang na ako ng banyo para maghilamos at mag-toothbrush narin. Pinipihilan ko nang umagos pa ang dugo sa ilong, pero vege, hindi ko talaga mapigilan. Namumula na ang ilong kasi-spray ng gamot, hindi parin tumitigil. Hindi pa nakatulong na naiyak na ako sa sobrang hapdi ng gamot.
Tahimik akong nagdasal sa isip ko kahit natataranta na ako. Punong puno na kasi ng dugo ang tatlong panyo ko, nasa laundry ang iba kaya hindi ko magagamit. Kaya kung ano-ano nalang ang hinalungkat ko. Habang abala ako sa paghahanap ay nakarinig ako ng katok.
Napalingon naman ako sa pintuan ko, sino naman kaya ang kakatok sa pinto ko ng ganitong oras? Mag-aalas dose na ng madaling araw. At isa pa, kaunti lang ang nakakaalam kung saan ang condo ko. Nagtataka man ay unti-unti akong lumapit sa pinto, hawak-hawak ang tissue na nahanap ko. Sumilip ako sa peephole at mas lalo akong kinabahan nang makitang walang namang tao.
Kumatok na naman ulit. Para masigurado ay agad kong binuksan ang pinto para ma-check kung sino. Ganoon nalang ang gulat ko nang makitang tahimik na nakatayo si Vincent sa harap ng pintuan ko. My heart skipped a beat as soon as our eyes met. Nanlaki rin ang mata niya nang makita ang hitsura ko. Nang maalalang miserable nga pala ang mukha ko ay agad akong tumalikod sa kaniya.
"What happened? Umiyak ka ba?" lumapit siya sa 'kin at marahan akong pinaharap sa kaniya. Ingat na ingat niyang hinawakan ang baba ko para mapagmasdan niya ako ng maiigi.
Umiwas ako ng tingin sa kaniya, ayaw kong magtama ang tingin namin. "Bakit?" tanong ko, kinuha niya ang tissue na hawak ko at inangat ang mukha ko.
"Mahapdi? Namumula na ang ilong mo, oh." sabi niya. Titig na titig siya sa mukha ko, at naiilang naman ako.
"Bakit ka nandito?" tanong ko ulit, hindi siya pinapansin.
Napatigil siya sa gingawa niya at tinignan ako diretso sa mga mata ko. Nakikitang ko sa mga mata niya ang puno ng pag-aalala o... naawa siya sa 'kin.
"Binilhan kita ng pain patches just incase maubusan ka," kinuha niya ang isang pack ng patches sa bulsa niya. Tumango-tango lang ako. "What happened? Bakit dumudugo ang ilong mo?" Nilapit pa niya ang mukha niya para mapapagmasdan ang ilong ko.
Umayos ako ng tayo kaya napabitaw siya sa mukha ko. Naiilang ako sa mga titig niya, lalo na't ang bilis ng pagtibok ng puso ko. Ayaw kong marinig niya 'yon.
"Pagod lang," sagot ko naman. Tinanguan niya lang din ako, napatingin naman ako sa hawak niya. "Keep it with you, marami naman akong stock dito." saad ko para hindi na siya magpumilit pa.
"Tulungan nalang kitang maglagay."
Tahimik lang akong nakasandal sa pinto ko. Nakatitig lang ako sa mukha niya. "'Wag na," sabi ko at pinapakiramdaman ko ang pagtibok ng puso ko. "Hindi naman na masakit ang braso ko," sabi ko nalang.
"Sure?" lumapit siya palapit sa 'kin. Nagtataka naman ako kung bakit. Hinawakan niya ang kanang kamay ko at marahang hinila. Pinigilan kong mangiwi, pero masakit talaga. Kahit na marahan lang ang pagkahawak niya ay ramdam ko ang kirot.
YOU ARE READING
Admiring You From Afar
RomanceThey said It's good when you have a gay best friend but what would you do if you fall for him ever since you two were young? This is the story of a girl and a boy who had been always together or in other word they were best friends but the girl need...