Tumunog na ang alarm clock ko at nagising naman agad ako. Napabuntong-hininga ako dahil ito na naman yung araw na tipong tinatamad kang pumasok sa paaralan.
Paanong hindi ka tatamarin eh nakakadiri na makipagplastikan sa mga kaklase mong feeling queen bee.
Bumangon na ako sa kama at naligo na. Nag-toothbrush narin ako at nagbihis ng nakakadiring uniform ng paaralang 'to. Bakit ba kasi ako rito eninroll, eh mga slow lang naman ang mga tao doon. Isa pa lalapitan ka lang kapag may kaylangan siya sayo. Naku hassle lang yun. Plastic yun partida.
Bumaba na ako at nag luto ng almusal. Ito lang naman ako palaging nag-iisa. Bakit ko ba kasi sinabing napakaswerte ko dahil may mama akong doktor na mag-aalaga sakin, at papa akong chef na magluluto sakin palagi, pero heto ako ngayon.
Tatlong taon na ang makalipas grade five palang ako noong parehong umalis sila mama at papa para sa Maynila mag trabaho. Si mama sa Quezon city siya na asign at si papa ay sa crue ship parin naman.
Ang lungkot lang isipin na dati babangon ka nang naamoy ang kape ng papa mo tapos mga luto ni mama pero ngayon ni anino nila ay wala. Kahit ganoon, kaya ko rin naman maging independent. Kinakaya
Natapos ko na nga ang niluto ko ay kumain na ako para makapag handa na. Ang tanga ko nga eh napabayaan ko ang grades ko. Yung dating 98.69 ngayon naging 90.00 flat! Paano kasi puro nalang video games pero bahala na grades lang naman 'yan.
Noong natapos akong kumain ay umakyat na ako sa kwarto ko para mag-toothbrush at magsuot narin ng sapatos. Pagkababa ko ay agad kong inayos ang makalat kong bag. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa buhay ko.
Simula nang umalis sila mama ay hindi ko na alam kung saan patutungo ang deriksiyon ko. Tinatamad na ako sa lahat, gusto ko nalang maglaho na parang bula. Maraming kapit-bahay namin sinasabing pabaya raw sila mama at papa. Bata pa raw ako eh iniwan na akong mag-isa.
Sa totoo lang gusto ko rin sila sumbatan kung bakit nila ako iniwan, pero hindi. Nag-hire naman sila ng tagabantay sakin but I refused. Nakakatamad na may kasamang hindi mo kaano-ano sa bahay niyo. Tsaka isa pa... pinili kong magmukmok nalang, hindi nila kasalanan kung ba't ako nagkakaganito.
I sighed at tumayo na. Sinuot ko na ang ID ko at isinukbit na ang bag ko sa balikat ko, handa nang umalis. Wala rin naman akong mapagpapaalaman kaya umalis na ako.
Naiistress nalang ako sa mga tao sa paligid ko. Gusto ko nang umalis sa impyernong school na yun. Nakakadiri na talaga.
Pagkarating ko sa room ay as usual akong uupo sa upuan ko at tatahimik sa tabi. Sanay na akong hindi pinapansin. Yung tinuturing kang parang hangin. Wala naman akong magagawa eh malapit narin namang matapos ang school year. Lilipat na ako ng school noon. Hinintay ko nalang na dumating ang teacher para meron naman akong pagkakaabalahan kahit papaano.
"Lye kanina ka pa rito?" Napalingon ako sa nagsalita. Siya si Jhin bakla rin siya, siya lang ang kumakausap sa akin. Hindi ko siya maituturing 'friend' dahil minsan lang naman kami nag-uusap.
Lia ang tawag saakin nila jv, samantalang ang mga bagong kaklse ko ay lye.
"Hindi ba obvious?" Mahinang bulong ko pabalik sa kaniya. Umupo naman siya sa tabi ko. Magkatabi kasi kami ng upuan.
Tinawanan lang niya ako. Naalala ko bigla si jv sa kaniya. Vincent was more smarter than Jhin, even to me!
Namimiss ko na talaga sila!
How I wish na sana mabalik ang dati pero hindi na eh. Past is past nga. Natauhan lang ako ng marinig ko ang pangalan ko.
"Leigh Haer."

YOU ARE READING
Admiring You From Afar
RomanceThey said It's good when you have a gay best friend but what would you do if you fall for him ever since you two were young? This is the story of a girl and a boy who had been always together or in other word they were best friends but the girl need...