21

29 0 0
                                        

"Shet," dahan-dahan kong minulat ang mata ko. Rinig na rinig ko ang malakas na pagtibok ng puso ko dahil ang tahimik ng kwarto ko. Hindi ko na alam kung ano ang nangyari kanina.

O baka... nananaginip lang ako?

Napabuntonghininga nalang ako at nanatiling nakaupo sa kama. Nag-iisip kung anong gagawin ko. Malalim na ang gabi, napapikit nalang ako at nasandal sa headboard.

Hindi ko na talaga alam kung anong iisipin ko. Magulong-magulo na ang utak ko, dagdag pa ang pagod na nararamdaman ko. Alam ko naman sa sarili ko na mahal ko siya dahil nakaramdam ako ng kasiyahan sa puso ko. Sadyang naguguluhan lang ako. Ni hindi ko nga alam kung nangyari ba talaga 'yon o nanaginip lang ako. Talagang hilo na kasi ako.

Nang makabawi na sa pagod at hilo ay bumaba akong kama at lumabas ng kwarto ko. Suot ko nga pa rin ang dress na 'to, oh. Naglakad ako papunta ng living room. Ganoon nalang ang gulat ko nang makitang may taong natutulog sa sofa. Napahawak ako sa puso ko at kinusot ang mata ko. Sino naman 'to?

Tahimik akong naglakad palapit sa sofa. Nang makalapit na ay nakumpirma ko ang nasa isip ko. Malaya akong pagmasdan ang gwapo niyang mukha. Ang kinis at puti niya. Mahaba rin ang mga pilik mata niya. pinipigilan ko ngang hawakan ang mukha niya. Nakakahiya!

Siguro ay ramdam niyang may nakatingin sa kaniya dahil unti-unti niyang minulat ang nga mata niya. Napatingin siya sa akin at umupo sa sofa. Iniwas ko naman ang tingin ko at umayos nang tayo. Tumikhim ako.

"Bakit ka nandito?" tanong ko at napatingin nalang sa sofa. Inayos niya ang nagulo niyang buhok at sunod na tumingin sa 'kin. Wala akong choice kundi tignan din siya.

"Mahal kita." tumigil saglit sa pagtibok ang puso ko. Tatagan mo ang sarili mo, Leigh. Mas nakakakaba pa ang titig ng terror teacher niyo, kaysa sa kaniya!

Nilalabanan ko ang nakatutunaw niyang tingin sa 'kin. Nanatili akong nakatayo at 'di nagalaw. "Ah..." tumango-tango ako. "Bakit ka nga nandito?" ulit ko sa tanong ko. Kahit na parang matutunaw na ako sa titigan naming dalawa.

Napahinga siya nang malalim at tinignan ako diretso sa dalawang mata ko.  "Sabi ko mahal kita," sagot niya at napayuko.

"Oo nga, nasabi mo nga. Tanong ko rin ba't ka nandito?" sagot ko nalang kahit nakaka-guilty na.

"Seryoso ka, Lia?" nagulat ako nang tumayo siya at lumapit sa 'kin. Hindi ko alam kung naiiyak ba siya o napuwing lang, ayaw kong mag-assume. "Wala na ba talaga? Ayaw mo na sa 'kin? Gano'n?" sunod-sunod niyang tanong.

"Pinagsasabi mong wala na? Ano bang meron sa 'tin?" tanong ko rin. "Wala namang tayo 'di ba? Hindi ko nga alam kung ano ba tayo noon."

Natahimik siya at saglit. Ramdam na ramdam ko ang malakas at mabilis na pagtibok ng puso ko, nasasaktan ako, shet.

"Tsaka... may girlfriend ka na," mahinang sambit ko. "Support naman ako sa inyo—"

"Leigh Haer Alvarez," Naputol ang sasabihin ko nang tinawag niya ang pangalan ko. Parang kinurot ang puso ko nang makitang umiiyak siya. Legit, tumutulo ang luha niya. Nasaktan ko siya.

"Sorry..." lumapit siya at niyakap ako, sinandal niya ang ulo niya sa balikat ko at umiyak doon.

Hindi ko na rin mapigilan ang emosyon ko at naiyak nalang. Niyakap ko siya pabalik at hinahagod ang likuran niya. "Lia ko... sorry ha..." naiiyak niyang saad.

"Promise... hindi na kita iiwan," tahimik lamang akong umiiyak. "Please... sorry na."

"Tapos na 'yon, okay lang ako." tanging sabi ko.

Admiring You From AfarWhere stories live. Discover now