"A-Ano?"
Hindi ako nakagalaw sa inuupuan ko. What did just happened?!
"May bading bang nanghahalik? 'Di ba wala." ngumiti siya at kumindat pa. Ramdam kong uminit ang pisngi ko, namumula ako!
"Gusto mo lang akong i-kiss e, humanap ka lang ng rason." puna ko sa kaniya, nakanguso.
"Bingo."
Hindi ako makatingin sa kaniya. Kakainis, 'di ako prepared. Nagulat ako eh!
"May first kiss ka na, yay!" pumalakpak pa siya at ngumisi sa 'kin.
Umirap ako at hinarap siya. Langya talaga. "Sinong nagsabi first kiss ko 'yon?" balik ko.
"Ay, hindi ba?" ngumuso siya. "Ibalik mo nalang 'yong kiss ko."
Napapikit ako sa inis. Lupet naman neto, pasimple kong hinawakan ang dibdib ko para pakalmahin ang puso ko. Mali nga talagang tawagin siyang bading.
"Inaantok na 'ko," sabi ko para matigil na siya.
"Okay, let's go." tumayo na siya at inilahad ang kamay niya.
Nagtataka akong nakatingin sa nakalahad niyang kamay. "Dito ka matutulog?" nakakunot ang noo kong tanong.
At mali nga ang tanong kong 'yon, dahil tinawanan niya ako! Inirapan ko nalang siya. "Gusto mo ba?" tanong naman niya pabalik.
"Sayang, sasagutin na sana kita. Kaso naalala kong, hindi ka naman pala nanliligaw." sabi ko nalang din. Nagmumukha akong weak eh, sasakyan ko nalang ang trip neto.
"Dito matutulog? Sasagutin?" umiling-iling siya. "Hindi pwede..."
"Hindi pwedeng tumanggi," sambit niya. "Joke, hindi pwede, Lia."
"I was just joking too, ano ka ba." sabi ko rin.
Pareho naman naming alam ang bagay na 'yon, joke lang talaga. Tsaka maraming mga marites diyan. Wala akong balak maging source of happiness nila. Hindi ako worth ng chismis.
Pero dahil kanina pa si Vincent nakangisi, napairap nalang ako sa kaniya. Tumayo na nga lang ako at dumiretsong kwarto. Sumunod naman siya sa 'kin sa loob.
Nagpaalam naman siyang diyan lang daw siya sa kwarto maghihintay sa 'kin after kong mag-half bath. Sabay daw kami mag-pray.
Habang nasa banyo ako ay naiisip ko na... napakaswerte ng mapapangasawa ni Vincent someday. Hindi ko naman kasi sure kung ako, si Lord lang ang nakakaalam. Pero, I was hoping na sana... ako.
Dati maging Lawyer lang ang gusto ko, ngayon maging asawa na ni Vincent.
Napatawa naman ako sa naisip ko. Patay na patay naman ako sa kaniya niyan. Napapikit nalang ako nang maalala ko ang lambot ng labi niya. Ganoon pala 'yon! Ganoon pala ang feeling! Sinampal-sampal ko pa ang mukha ko at parang tangang nakangiti sa salamin.
Hindi naman ako nagtagal pa sa banyo dahil alam kong may naghihintay sa 'kin. Wow!
"Simula ngayon love na ang tawag ko sa 'yo, Lia." bungad niya sa 'kin.
Masyado nang common ang endearment na love eh, pero sige dahil love niya naman ako.
"Not amar anymore?" tanong ko, naalala ko lang kasi.
"Hindi na," tumayo siya palapit sa 'kin. "Eto kasi 'yon."
Tinabihan niya ako sa pag-upo sa kama ko. Sinundan ko siya ng tingin at hinihintay ang sunod niyang sasabihin.
"Ang amar kasi, means 'to love'." pag-eexplain niya.
Tumango-tango ako. "Hindi mo pala ako mahal dati?" tanong ko.
YOU ARE READING
Admiring You From Afar
RomanceThey said It's good when you have a gay best friend but what would you do if you fall for him ever since you two were young? This is the story of a girl and a boy who had been always together or in other word they were best friends but the girl need...