Grade 10 na ako sa Monday!" masayang sambit ko nang tumawag si mama. Hindi padin umuwi sila mama pero naiintindihan ko 'yon, dahil para naman sakin ang ginagawa nila. Saka palagi naman nila akong kinakamusta kaya hindi ako masyadong nalulungkot.
"Alvarez tara na!" Sigaw ni coach.
"Ma, sige na may training pa'ko," paalam ko bago binaba ang tawag.
Bumalik naman ako kaagad. Nag water break lang kasi kami kaya mabilis lang. Hindi lang volleyball team ang may training kasama nadin ang basketball team. Kaya kasama ko sila Clyne, Ion at Kian.
Nang i-set ng kabila ay nasalo ko kaagad. Pero sumakit ang palapulsuhan ko don dahil masyadong malakas ang paghampas. Na score naman namin. Mabuti nalang at natapos na kaagad ang training dahil napagod na ako tapos ang sakit ng kamay ko.
"Wait, bili muna ako tubig" si Leim at lumabas saglit. Nagpabili nalang din ako sa kaniya.
Pumunta ako sa side nila Clyne dahil kasabay kaming umuwi. Hinihingal na si Ion kaya natatawa ako sa mukha niya. Patapos na din ang training nila dahil mag-aalas quatro na. Hinintay ko muna si Leim bumalik. Sakto naman at pagkabalik ni Leim ay tapos na ang training nila. Nagbihis pa sila Clyne. Kaya nag-intay pa muna kami. Nang makitang papunta na sila Clyne sa deriksiyon namin ay tumayo na kami.
"Grabe nakakapagod parang gusto ko mag back-out." Reklamo kaagad ni Ion. 'Yan palaging nagrereklamo ang isang 'yan.
"Tara na, pagod na ako." Sabi ko at tumango naman sila.
Habang naglalakad kami ay may lalaking tumawag sa pangalan ko. Napalingon naman ako sa lalaki. Mas mataas siya kaysa sakin kaya tumingala ako ng kaunti. Tinaasan ko siya ng kilay. Pauwi na kami tapos haharang siya.
"Uhm... Ano" lalagpasan ko na sana siya, natigilan ako ng magsalita siya ulit
"C-crush na.. crush kita Leigh..." Sabi niya.
Napasinghap naman ang mga nasa likod ko. Hindi nagbago ang ekspresyon ko dahil sanay na ako doon. I mean hindi naman sa nagmamayabang ha, everytime kasi na lalabas ako ng classroom o pumunta ng training o bumili sa cafeteria ay may nakakasalubong akong lalaki at bigla bigla nalang aamin! Tinatawanan nalang kaya ako nila Pathyma.
Gumilid siya nang magpatuloy ako sa paglakad. Pagod na ako tapos lalandi pa siya. Bahala siya diyan.
"crush kit-" hindi na niya natuloy ang sasabihin niya nang itinaas ko ang kamay ko at tumugil naman sila sa paglalakad.
"Thank you" saad ko nalang at nagpatuloy na sa paglalakad.
Natigilan naman siya at ngumiti nalang. Mabuti nalang at wala masyadong tao kaya hindi siya mapapahiya. Bahala siya diyan. Nilagpasan ko na siya at sumakay na sa SUV. Nakita kong nagpipigil ng tawa sila Ion at Leim. Inirapan ko nalang sila. Hindi na sila nasanay.
"Sakit kaya 'yon," saad ni Clyne at sinabayan naman ng tawa yon nila Ion. Umirap lang ako sa kanila.
Mabilis naman kaming nakauwi. Pagkababa namin ng SUV nila Clyne ay nag-aya naman 'tong si Ion ng siomai daw. Alam kong hindi libre yon kaya sumunod nalang ako sa kanila. Nagtitipid kaya ako. Mabuti nalang talaga at wala masyadong tao. Habang nag-iintay na maluto ay umupo muna sila sa may bench. Habang ako nagpaiwan. Babantayan ko lang talaga hindi ako kukuha ni isa. Loyal kaya ako. Kaya iisa lang din ang gusto ko.
Habang nag-iintay ako ay naramdaman kong may bibili din. Kaya nilingon ko sila. Nagulat naman ako ng magkita sila. Hindi ko pinakitang nagulat ako baka isipin pa nilang may pake pa ako sa kanila. Lumayo ako ng kaunti dahil ayaw ko'ng mapalapit sa mga mabahong basura!
Lumapit si Kayce sa kinatatayuan ko para bumili. Tinignan ko siya ng maigi. Wala namang nag bago sa kaniya, pangit padin. Ewan ko nga kong nagbago na ugali niyan.

YOU ARE READING
Admiring You From Afar
Roman d'amourThey said It's good when you have a gay best friend but what would you do if you fall for him ever since you two were young? This is the story of a girl and a boy who had been always together or in other word they were best friends but the girl need...