Loving him and loved by him made the time run so fast. Ang bilis ng mga oras kapag kasama ko siya, but it felt so nice.
It's been a year since we announced our relationship with our family. Masaya raw sila para sa amin and hearing it from them made me happier. We're official now! Kami na talaga! May label na talaga!
Hindi ko nga namalayang isang taong na kami, road to 2nd anniversary naman. Kung iisipin ko ang mga nangyayari ay parang kahapon lang nangyari, lahat-lahat it felt surreal. Sa araw-araw kaming magkasama ni Vincent ay walang nagbago sa nararamdaman ko sa kaniya. I love him every time, day, months, years, until forever.
Sabi nga nila kung mahal mo lutuan mo, kaya heto ako ngayon. Hinaharap ang mabangong amoy ng niluluto ko.
"Jev, paabot nga ng suka."
Nagluluto na kasi ako ng ulam namin, adobo. Naiinggit ako sa kaniya, palagi nalang siyang nagluluto eh. Mahal niya talaga ako.
Kinuha niya ang suka at inabot sa akin. Kukuhain ko na sana nang ipalayo niya 'yon sa 'kin. Kumunot ang noo kong napatingin sa kaniya.
"Jev lang?" ngumuso siya. "Not love?"
Napahawak pa ako sa noo ko nang nagsimula na naman siyang gumanyan. "Oh, veggies in the world, akin na." inilahad ko na ang kamay ko at binigay naman niya, nakasimangot pa.
Napahinga ako ng malalim. Ano ba naman 'tong lalaking 'to, masusunog na ang niluluto ko at gumaganiyan pa siya. Tamo walang lasa 'to.
"'Wag na magsimangot, Lia ko. Sige ka papangit lasa ng luto mong 'yan." pananakot pa niya sa akin. Aba! Ano daw?!
"'Di ba? Sabi nila kapag niluto mo with love ay magiging masarap. Agree ka?" tanong niya ulit.
"Walang connect sa simangot," sabat ko.
"Tinatanong ko kung agree ka."
Napangisi ako. Ayaw talaga magpatalo nito sa debatehan. Palagi siyang may sagot eh, ngumiti lang ako. "Oo naman, kasi may effort 'yong gawa ko kaya nagiging maganda at maayos." saad ko. "But, I believe na... kahit bad mood kaman or galit while doing it, it should not affect your work."
"If you're not in the mood, walang dahilan para idamay mo ang iba. It's just you and you, wala nang iba." saad ko pa.
Tumango-tango naman siya, agree naman siya sa sinabi ko.
"Like in the book of Philippians." sambit niya bigla.
Tinaas-baba niya pa ang kilay niya. Napangisi nalang ako sa utak ko. Talagang alam niya kung paano i-connect sa Bible eh. Nakakatuwa at nakaka-proud naman ang mahal ko.
"The book of Philippians is all about joy, right? But it was written in prison." aniya na tumango-tango ako. "Kahit na mabigat ang pinagdadaanan sa kulungan ay hindi niya hinayaang maapektuhan ng kaniyang emotion ang sinusulat niya. It was all about joy, but his face screams opposite while he's writing it."
Lumapit siya sa akin at niyakap ako sa likuran. Ano ba 'yan! Nahihiya tuloy akong gumalaw. Hindi ko mapigilang ngumiti at mamula.
"Kasi nga, he's thinking the people who's going to read it." bulong niya sa akin.
Hinarap ko siya at nginitian. "Wow, pwede na mag-pastor," sabi ko kahit na kinakabahan dahil sa bilis ng pagtibok ng puso ko.
Napaisip muna siya saglit. "Papayag ka if ever?"
"Siyempre! If gusto mo," sagot ko rin
Pinisil niya ang pisngi ko at malakas na tumawa. Inirapan ko nalang siya at tinuon ang atensyon sa niluluto. Nagugutom na kaya ako!
YOU ARE READING
Admiring You From Afar
RomanceThey said It's good when you have a gay best friend but what would you do if you fall for him ever since you two were young? This is the story of a girl and a boy who had been always together or in other word they were best friends but the girl need...