12

28 1 0
                                    

"Asan si Leigh?" napantig naman ang tenga ko ng marinig ko sila. Kaya mas lalo akong nagdukmo sa armchair.

"Dapat nakikita na natin siya kaagad! Kumikinang siya eh," narinig ko si Pathyma!

"Anong kumikinang?"

"Star siya diba!"

Napapikit naman ako ng mariin dahil ang ingay nila! Pustahan o, tinitignan na sila ngayon ng mga estudyante! Knowing Pathyma at Che ang iingay ng mga 'yon!

"Gaga, kumikislap kasi 'yon!"

Inangat ko na ang ulo ko. At nakita ko naman kaagad sila. Kasama nila si Kian at isa pa naming kaklase na si Ton. Friday na at nandito na sila kaya hindi na masyadong pangit dito. Halos mahimatay na nga ako dahil sa sobrang init dito! Sumasabay pa ang ingay nila!

"Ayon siya!" agad naman silang lumapit sakin.

"Oh, anong mukha 'yan?" tinuro pa ni Ella ang mukha ko. Gusto ko sanang ichicka sa kaniya ang mga nakikita ko dito pero, sila pa ang isa sa maingay eh! Ang lakas pa ng boses!

"Mukha ng kagandahan 'yan te," si Che.

"Tamo kahit kakagising maganda padin," "Kahit nga epic pictures niya magaganda padin." dagdag pa ni Che.

Asus, hindi ako naniniwalang maganda padin ako sa epic pictures. Bakit kapag sila Ion ang kumuha ang pangit ko? Nakakainis talaga. Naalala ko tuloy ang chips na kinain nila!

"Pasend nga tutorial paano maging Leigh," sabi nito at tumawa pa.

"Step one, dapat maganda ka." sambit ni Pathyma at tumawa ng malakas.

Buti nalang nandito sila. Nawala bigla sakit ng ulo ko dahil sa tawanan nila. 'Yon nga lang ang ingay nila! Pero nawala naman sa isip ko ang sakit ng ulo dahil ngayon nga pala uuwi sila Mama! Kaya dapat masaya ako! Hindi daw nila sure kung makaabot sila sa Competition ko. Sure naman akong uuwi sila.

"Tahimik ng star natin ngayon," inalog-alog pa ako ni Pathyma. Nahilo tuloy ako!

"Ingay niyo," iyon nalang ang nasabi ko para tumahimik na sila.

Okay naman ang ang araw ko dahil kasama ko sila, kaso may program kaya hindi ako makakapagpahinga sa classroom. Ngayon ko lang talaga napagtantong namakadaming estudyante ang narito ngayon! Paano kami nagkasya kasya dito?!

Isinandal ko nalang ang balikat ko kay Che dahil siya ang katabi ko. Ang init din naman kasi. At ang nakakainis pa ay ang lahat na may honors ay ipapakilala ang sarili at ang school! Hindi ko alam kung saan nanggaling ang mga ganyang pakulo nila! Edi matatagalan pa pala kami neto?! Nakita naman nilang napakadaming estudyante!

Mabuti nalang talaga at anim lang kaming may mga honors!

Habang grade nine na ang nagpapakilala ay tumayo muna ako para bumili sa canteen nila. Naramdaman ko kasing kumakalam na ang sikmura ko, at baka biglang atakihin naman ako ng ulcer! Bibili nalang ako ng biscuits.

Habang nagbabayad ako ay narinig kong grade ten na. Alam kong matagal tagal pa naman kami dahil madaming schools din ang mag-iintroduce. Nang makuha ko na ang sukli ay bumalik naman ako sa inuupuan namin.

Nagulat naman ako nang makitang wala na sila Pathyma roon. Nasa stage na sila! Ako nalang ang inaantay! Nakarinig pa ako ng bulong bulongan sa mga estudyante ng Bellibe High.

"Wala nga talaga siyang awards doon," nagtawanan pa sila.

"Oo nga kahit with honors lang sana," sabat naman ng isa.

Amp, hindi lang ako with honors bitch! Watch and Learn.

Umakyat naman ako sa stage para makompleto na kami. Magpapakilala lang naman at magbibigay daw ng reminder sa mga taong nanonood. Ang corny nga, hindi naman sila mga bata pa para i-remind na mag-aral ng mabuti!

Admiring You From AfarWhere stories live. Discover now