27

15 0 0
                                    

I stared at my doctor getting my weight.  "You loss more weight than your last visit here. How are you feeling now?"

What do I feel? I'm sick so I feel pain. Pain everywhere in my body including my heart. My heart is aching more than my body honestly. Without Vincent everything is a chaos for me. Gulong-gulo na ang katawan ko. Parang gusto ko nang sumuko. It's been one week since Vincent flew to States to visit his Dad.

"You still feel dizzy? O hindi na?"

Nanahimik nalang ako. My mind is wandering elsewhere. Wala nang laman ang utak ko, wala na talaga. It's empty simula nang umalis si Vincent papuntang States. Alam ko namang hindi siya tatagal doon, nag-aalala lang ako sa kaniya. Mukhang 'di na kasi ako tatagal sa kalagayan kong 'to. I don't know anymore.

"How about the bruises you said to me before, meron pa rin ba?" she asked again.

I looked down and saw my weight. Right. Nakatayo pa rin pala ako. Naupo na ako at hinihintay si doctora magsalita ulit. Sinundan niya lang ako ng tingin, kitang-kita ko sa mga mata niya ang lungkot.

"Leigh Haer? Are you okay?" tanong niya ulit at naupo sa tapat ko. "I'm asking about your bruises, meron pa rin ba o wala na?."

"Marami pa." I said almost whisper.

"Patingin nga." sabi niya at pumuntang harapan ko.

Umayos naman ako ng upo at pinakita sa kaniya ang mga pasa na hindi ko alam kung paano ko nakuha. Napapansin ko lang kapag nakaramdam ako ng masakit at kapag naliligo ako. Sobrang sakit at parang binugbog na ako tignan dahil sa dami.

"Nababangga ka ba sa mga gamit mo sa bahay? Be careful not to cause another bruise. I'll give you another medicine para mabawasan ang sakit niyan." saad ni Doctora na tinanguan ko nalang.

Gamot na naman. Tinatamad na talaga ako. Simula palang nang una gamot na ang bumubuhay sa 'kin eh. Nagsasawa na ako, ayaw ko nang may makitang gamot.

"Doc." tawag ko sa kaniya.

"Yes? Do you have any questions or something to say?" sambit ni Doctora.

"What's the use of these medicines if I won't stay here any longer?" tanong ko. "Wala namang effect eh, I still feel the pain. Mas lumalala pa nga ang sakit. Pwede po ba na tumigil nalang ako? I will still die even I take medication or even not."

She fell silent. Probably finding the right words to say. Nakatingin lang ako sa Doctor ko at hinihintay siyang sumagot.

"Your mom and I won't approve that, Leigh. I don't want to see her sad and crying."

Tinanguan ko nalang si Doctora. Kinausap pa niya ako kung ano nang plano ko ngayon at binigyan niya ako ulit ng napakaraming gamot. Tinitignan ko nga palang 'yon ay napapagod na kaagad ako. Pagod na pagod na talaga.

What's the use of these medicines kung mawawala rin naman ako, right? Gastos lang talaga ng pera. Tutal napapagod na rin naman na ako sa buhay kong 'to, baka pwedeng tumigil na ako sa pag-inom ng mga gamot. Pero, wala pa rin naman akong choice kundi sundin sina Doctora at Mama. Napapagod na ako sa mga nangyayari sa buhay ko pero gusto ko ring makasama sina Mama, Papa, si Vincent at mga kaibigan ko.

"Okay na po ba, Doc? Can I go now?" mahinang tanong ko.

She looked at me, nod and smiled. "Notify me if you feel something unusual, pupuntahan kita sa condo mo, hm? Also 'wag mong pagurin ang isip at sarili mo. Get some sleep and take care on your way home."

Sa haba ng sinabi niya, take care lang ang narinig ko. I nodded to her and gave her a weak smile. "Yes po." sabi ko nalang. Palabas na ako nang tawagin ako ni Doctora.

Admiring You From AfarWhere stories live. Discover now