3

32 1 0
                                    

Palapit at palapit na ang araw ng Recognition namin kaya wala masyadong pasok. Pinagpapasalamat ko na lang iyon, para hindi ko makita ang mga basura. Nakakabother kasi tignan tsaka isa pa umaalingasaw ang mga masasangsang nilang pag-uugali.


Limang araw na lang at recognition na. Masaya ako dahil aalis na ako sa basurang school nayon, at isa pa ako ang top one kaya masyado yata akong masaya. Pinaparinggan pa nga ako sa socmed.



Tinawagan ko si mama at papa kung kailan sila uuwi dahil malapit na ang recognition. Sabi kasi nila sila ang mag-aasist sakin, gusto raw nila ako makitang aakyat sa stage at sasabitan ng medalya.

Ilang ring lang at sinagot na ni mama.

"Yes po anak ko?" Bumungad sa akin ang malambing na boses ni mama. Namimiss ko na talaga siya. Pero okay lang dahil uuwi naman sila dito kaya mayayakap ko na siya.

"Kailan po kayo uuwi dito ma? Apat na araw nalang, recognition na!." Saad at ngumuso. Ilang araw nalang kasi at wala pa sila rito kaya tamang tampo lang ganon.

"Ah... About that anak. Yes, uuwi kami ni papa mo. But busy talaga ngayon kaya wait kalang diyan. She said lowly

Tumango tango naman ako. Okay uuwi raw sila, somehow I feel at ease. Alam ko kasing hindi nila ako bibiguin.


"Excited na ako! Top one ako eh." Nakangiting saad ko.

"Wow. Ang galing ng anak ko, pag-uwi namin i-hug talaga kita nang mahigpit." Natawa naman si mama sakin.

"What's your plan after the ceremony? Gusto mo magpabook ng restaurant? Para doon tayo kumain?" Sunod sunod na tanong ni mama.

Honestly gusto ko ng simple lang. "Sa bahay nalang ma, magpapaluto nalang ako kay papa ng favorite kong adobo!" Napangiti ako sa gusto kong mangyari. "At mas homey kaya ang bahay kapag kasama kayo."

Natigilan naman ako ng mapagtantong naguilty si mama sa sinabi ko. Sana pala hindi ko na dinagdagan. Hindi ko naman intensyon na sabihin iyon.

"Oo naman, if 'yan ang gusto mo anak. I'm sorry, promise babawi talaga ako."

"Opo, naiintindihan ko ma."

"Thank you for understanding anak-Doc. The patient in the ward need you." "Is she's the girl that have a cardiovascular disease?" Rinig kong tanong ni mama sa kasama niya. Hindi pa niya nabababa ang tawag.

"Anak, mamaya na muna ha. May pasyenteng kailangan ako."

Nagmamadali niyang pinatay ang tawag at natulala naman ako. Busy nga talaga siya, bakit ang dami ng nagkakasakit ngayon? Nawawalan na tuloy ng oras si mama.

I spent my days with my friends, sumakit rin ang tiyan ko kakatawa. Napagod naman ako sa gala namin, pero masaya.

Andito kami ngayon sa bahay nila Clyne. Dito naman kami mags-sleep over, palagi nalang kasi sa bahay namin. Ang ganda din ng bahay nila eh no. Walang tao kaya libre kaming mag-ingay kahit kailan namin gusto.

Nanonood lang kami ng movies ngayon. Ilang movie na ang napanood namin pero hindi parin napapagod mga mata nila.

"Saya mo today ah."

Puna ni Clyne. Nginitian ko siya at tumango. Masaya talaga ako ngayon, hindi ko alam kung bukas masaya parin.

Iba ibang genre na ang napanood namin, shuta ang tibay naman ng mata nila. Hindi pa inaantok! Ako inaantok na kaya nauna akong matulog. Pagod rin kasi ako kakagala kanina.

Mas lalo lang akong to inantok ng mahiga sa malambot na kama. Hindi nagtagal ay nakatulog naman ako.

Pagkagising ko ay napasigaw naman ako sa inis, dahil puno ng stickers ang mukha ko! Nako! napaka aga pa para sa kalokohan! Tinanggal ko 'yon lahat at pumunta nang banyo.


Admiring You From AfarWhere stories live. Discover now